Chapter 1 - School Bus

33.4K 643 30
                                    

Joshua's PoV

"Anak, gising na, baka iwanan ka ng school bus mo" sigaw ni mama mula sa kusina sa akin habang ako naman tamad na tamad bumangon sa aking kama.

"Sandali lang mama, nandiyan na!" paungol ko namang sagot sa kanya

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang summer, kakatapos lang ng second year at ngayon ay third year na ako. Ako pala si Joshua Mercado, third year sa Liberal Arts Academy, at hindi man magandang pakinggan, ako ay isang self-centered na tao.

Sa school namin, madalas ko marinig na maraming may crush sa akin, siguro kasi binayayaan naman talaga ako ng magandang itsura, at siguro may appeal ako, hindi naman sa pagmamayabang.

Naligo at nag-almusal na ako, pagkatapos ay nagpaalam na ako sa aking mama, siya lang ang kasama ko sa bahay kasi si papa ay maagang pumapasok.

Lumabas ako ng bahay at naghintay sa school bus, at ayun na, natanaw ko na, at ito ay tumigil sa tapat ng aming bahay, bumusina at natuwa ako kasi kahit papaano ,yung busina na yun yung kinalakihan ko, grade 1 pa kasi ako nagsimulang mag-aral sa LAA, at simula't sapul, si Kuya Wilson na ang service ko.

"Joshua! Long time no see ah!" sabi ni kuya na parang galak na galak na makita ako.

"Ako rin kuya!" at sumakay na ako at pumwesto sa loob, sa unahang row ako, van kasi to, so may isang upuan na pang dalawahan sa unahan, kung kaya't dun ako pumwesto, yung mga umuupo kasi dati dito graduate na, eh ako na ata ang pinasenior kahit junior ako.

"Kuya, parang may bago ata sa ruta natin?" pagtataka ko kasi ako naman ang una, at alam ko na rin ang bahay ng mga kasabay ko.

"Ay oo, may bagong tayong sakay, ka-year mo rin ata siya, lalaki rin to" sabi naman niya habang tutok sa pagmamaneho.

"Ah sige sige" tugon ko.

"Dito na tayo!" tiningnan ko ang bahay at ito ay parang bahay namin, sakto lang.

"Ah ayan na siya!" tiningnan ko naman ang lalaki na hinatind pa ng kanyang nanay.

Tila anghel ang mukha niya, yung mga mata, bilog na bilog, at yung labi niya, parang hugis puso.

"Tumabi ka nalang kay Joshua! Mabait yan, habulin pa ng babae!" sabi ni Kuya WIlson na ikanamula ko.

"Ahhhh, ako pala si Gian, Gian Estrada." parang nahihiya niya sinabi at inabot niya ang kanyang kamay sa akin.

"Joshua Mercado! Third year din ako, sabi ni kuya third year ka rin!" sabi ko sa masasabing pinaka-friendly na tono.

"Ahhhhh, ano section mo?" tanong niya sa akin.

"A, ikaw?" sabi ko

"A rin" sabi niya sabay tipid na ngiti.

"Classmates pala tayo! Good luck!" pag-welcome ko dito.

"Thank you!" tugon naman nito.

Napuno ng katahimikan ang school bus, at napansin ko na papuno ng papuno ang sasakyan dahil sinundo na ang aking mga kasabay, tahimik pa rin kasi lahat sila ay tulog, habang ako naman ay naka-earphones, may naramdaman akong mabigat sa aking balikat, pagtingin ko, si Gian pala ay nakatulog at sumandal sa balikat ko.

Sa tototoo lang, hindi ako sanay sa ganitong contact, actually, kung iba ito, agad kong tatangtanggalin, pero bakit ganun? Okay lang sa akin kapag siya, at hinayaan ko na lang ito na matulog.

Sa school namin, anim ang section, letters ang mga pangalan, pero ito ay hindi by rank, hetero kami lahat, halo ang matalino sa medyo mahina, maganda na rin yun, para hindi maisolate ang matatalino at mas mapasama ang barumbado.

Natutuwa ako kasi out of the six section, classmate ko si Gian, ewan ko ba kung bakit, pero masaya ako, tapos ka school bus ko pa siya.

Natapos ang general assembly at pumunta na kami sa respective classrooms namin

"Good Morning, I am Ms. Ashley Dizon, you call me Ms. Ashley and I'll be your adviser for this academic year as well as your English III teacher." pagpapakilala ni ma'am sa amin, at sinalubong naman namin siya ng masigabong palakpalan. Halatang fresh graduate palang si ma'am, halata naman kasi batang-bata ang itsura niya.

"I believe that some of you were classmates back then, and majority of you know each other, so may I ask the transferee of this class to stand and introcuce himself" sabi niya at biglang tumayo si Gian, at lahat kami ay nagtinginan sa kanya.

"Go-Good M-Morning Everyone, I-I am G-Gian EEstrada, I came all the way here from Cebu, because my parents were assigned to handle the Quezon City branch of the company they are working in, so we were left with no choice but to move here in Manila, I am still adjusting with my new environment, and I hope we can all get along well. Thank you" sabi niya at lahat kami ay sinalubong siya ng palakpakan.

Ang buong araw ay inilaan para sa orientation, at bukas daw ay election ng officers at hindi namalayan ay natapos na ang klase namin.

"Joshua, gala muna tayo" sabi ni Nicole, kaibigan ko simula grade 4.

Naisip ko bigla si Gian, hindi kasi naman talaga ako palasabay sa school bus kapag uwian, kasi lagi akong namamasyal kasama ang aking mga kaibigan, pero parang ngayon ayaw ko muna lumabas.

"Saka nalang Nicole, pagod na ako eh" sabi ko.

"Okay lang, sasama ko nalang ni Anna" sabi niya at nagpaalam na.

"Himala! Sasabay ka Joshua?" sabi ni Kuya Wilson na gulat na gulat, kasi sabi ko nga, hindi ako madalas sumabay.

"Pagod na ako kuya eh, saka nalang ulit ako lalarga" sabi ko naman at pumasok na sa van, nang nakita ko si Gian, na nakaupo na.

"Okay lang ba ang first day mo?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman" at ngumiti ito na parang nakaka-antig damdamin talaga.

"Aaa-ah, ma-mabuti na...naman" sabi ko na tilang parang tanga, ewan ko nga kung bakit.

Umandar na ang sasakyan, at gaya ng noong umaga, siya ay nakatulog sa sumandal sa akin.

"This year will be pretty interesting" sabi ko sa sarili ko.

A.N.~

So this is my first time to write a story, and I hope na susuportahan niyo ako, i-follow niyo po ako at ifofollow ko rin kayo =D So please vote and subscribe :D thank you! Joshua is on the media section ^_^

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon