Joshua's PoV
Lumipas na ang isang buwan at ang mga bagay ay normal lang. Madalas akong nakakatanggap ng mga love lettes, na nilalagay nila sa locker ko, kaya laging landslide ito kapag bukas ko.
Tuwing group project or works hindi ako namomroblema, kasi walang umaayaw sa akin, at marami ang gustong makasama ako, makilala ika nga nila, kaya madalas, nakakalusot ako at nagkakagrade ng walang effort.
Sa isang buwan ko bilang third year, marami akong natutuklasan na hindi ko aakalain, una ay ang bago naming kaklase na si Gian, siya pala ay ubod ng talino, pero sadyang introverted lang siya at madalas ay hindi nakakahalubilo. Lagi niyang kasama si Clarence, yung tahimik na bata sa klase sa amin.
Ewan ko pero lagi akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya, katabi ko siya lagi, at mabait siya. Kapag may lesson o seatwork, tinutulungan niya lagi ako kapag tinatanong ko siya, nahihiya na nga ako kasi feeling ko mababa tingin sa akin ni Gian.
Maayos naman ang lahat, kaso mayroon talaga sa loob ka na sumisigaw na gusto ko pa mas mapalapit kay Gian, sana ako nalang si Clarence, kasi siya laging kasama yun, at iba yung ngiti nito sa kanya, parang masaya siya lagi, siguro kasi marami silang pagkakapareho.
"Ilan pa hindi nagpapasa ng reply slip?" tanong nito na biglang nagbalik sa akin sa mundong ibabaw.
"12 pa, pero sabi nila bukas na daw nila ibibigay" tugon ko naman dito sabay ngiti.
"S-Sige, sabihin mo kailangan talaga yun by tomorrow kasi ipapasa na ni ma'am yun sa office" sabi naman nito sa akin habng abalang nagaayos ng kanyang mga gamit.
"Uy t-teka, sasabay ka ba daw, tanong ni Kuya WIlson" tanong naman nito sa akin.
"Ay hindi, may lakad pa kasi kami." sagot ko naman, nalungkot nga ako kasi hindi ko siya makakasama, kahit ilang minuto man lang, pero nakapangako na ako.
"A-Ah, si-sige, pero wag kang magpagabi, marami tayong homeworks, at yung reply slips wag mong kalimutan" sabi naman nito at ngumiti ng ilang at nagpaalam na ito na uuwi na siya.
Ewan ko pero natuwa ako sa mga sinabi niya kasi parang kahit papaano may concern siya sa akin, at kahit papaano, yung puso ko medyo gumaan, sikat man ako pero wala pa akong girlfriend, walang first kiss, at lalo na walang first love, kaya para sa akin, bago palang ang mga nararamdaman ako, hindi ko lang alam kung ano ito.
"Sige ingat ka" sabi ko at tumungo na akong papunta sa mall, bibili kasi kami ng gamit ng mga kagrupo ko para sa project namin na parang scrap book, as usual presence ko lang naman ang kailangan kasi hindi naman talaga nila ako papagawin, so plano ko aalis na rin ako ng maaga, para makagawa ng home works. Nang palabas ako ng mall.
"It's destiny talaga Joshua" sabi ng babae sa likod ko at ako naman ay napalingon.
"Luna?!" sabi ko na may pagkagulat at pagkakaba.
"The one and only" sabi nito.
"Ano ginagawa mo rito?" tanong ko.
"To claim what is mine, diba my boyfriend?" sabi nito at biglang kumapit sa bisig ko.
Actually magkaibigan kami ni Luna dati, kaso umamin siiya na gusto niya ako, kaso sabi ko hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, kaya medyo naging iba siya, finollow niya lahat ang social networking accounts ko, tapos lagi siyang nandiyan kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, naging creepy siya, tapos lumipat siya sa America, at medyo lumuwag ang aking loob, kaso ngayon bumalik siya, at hindi lang to basta susuko, alam ko kung gaano ka-persistent ang babaeng ito.
"I've always been out there, wanting you, kaso wala talaga, pero now that I'm back, I'll make sure that there will be an us" shamelessly niyang sinabi.
"There will never be an us" sabi ko naman ng matalim
"Well wala naman akong makikitang dahilan para hindi maging tayo, single ka single ako" sabi naman nito.
"Well diyan ka nagkakamali, I'm already taken, in fact makikipagkita ako sa kanya ngayon" sabi ko naman, para makalusot ako, bilang tumakbo paalis, hindi kasi talaga ako titigilan ng babaeng ito.
Pumunta ako sa Mcdo na may malapit sa amin, kasi gutom na talaga ako, from schoool at dahil na rin kay Luna. Pagpasok ko sa Mcdo, pumila na ako sa counter at nagulat nalang ako nang makita ko ang tao sa likod ko.
"Gian?!" pagkagulat kong sabi.
"U-uy Joshua, nandito ka pala...wala kasi sila mama, wala akong makakain sa bahay" sabi naman nito at ngumiti.
"Ah ako kakain bago uuwi, sabay na tayo kumain, akin na pero mo, ako nalang oorder para sayo, humanap ka nalang ng upuan" sabi ko naman ito.
"Ah s-sige, 2 pc. chicken ako at isang large fries" inabot niya sa akin ang pera at sabing hahanap na daw siya ng upuan.
Malakas pala kumain tong mokong na ito, natuwa ako kasi ganun din ang oorderin ko, pareho pala kami ng appetite pagdating sa pagkain.
"Oh eto na, kain na tayo, at eto pala pera mo, libre ko na sayo to" sabi ko kanya.
"A-ay w-wag na! Nakakahiya naman!" sabi naman nito.
"Basta next time libre mo ako" sabi ko, para naman next time makakasama kita ulit.
"Aha" may sumigaw, "Siya ba-ba y- yung si-na-nasabi mong karelasyon mo?" si Luna ito na medyo nabigla sa kanyang nakita. Ay! Oo nga pala, sabi ko sa kanya makikipagkita ako sa karelasyon ko. Nakita ko sa mukha ni Gian ang pagkagulat pero mas pinili nitong ipagpatuloy ang pagkain.
"Yep, siya boyfriend ko" sabi ko naman na walang choice at sabay hawak sa kamay ni GIan. Sa sinabi kong yun nagulat si Luna at biglang nasamid si Gian.
"AAAAHHHHH Hindi to totoo!" sabi ni Luna at biglang ito umalis na parang nagulat at nagalit.
"A-anong boyfriend?" sabi naman ni Gian.
"Ano kaya ang gagawin ko?" sabi ko sa sarili ko at sa sitwasyon ko ngayon.
A.N.~
SO things are really flowing fast na ^_^ Please support my story! thank you!
Si Luna ay nasa media :D sa kanan :D
BINABASA MO ANG
Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)
RomanceSi Joshua ay sikat sa kanilang paaralan, siya ay biniyayaan ng gwapong mukha, kung kaya't ito ang dahilan kung bakit siya ay habulin ng babae. Si Gian naman ay bagong lipat sa Manila, mahiyain pero matalino. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa ngayong...