Gian's PoV
Ang lakas ng ulan at ngayon medyo tumila na, kaso nanaman ako ng sakit ng ulo ko, ang problema, wala akong gamot sa bahay, pero may gamot sa sari-sari store sa tindahan sa tapat namin, bibili na sana ako nang pinigilan ako ni Joshua, kaya ngayon siya ang bumili at ito ako naghihintay sa kanya.
Joshua's PoV
Nandito na ako sa tindahan, at nakabuli na ako ng gamot, tatawid nalang ako nang biglang
*Bumuhos ang ulan
Ang tanga ko naman, nakalimutan ko magdala ng payong. Lulusong pa tuloy ako, nang tatawid na ako, bigla akong na-out of balance at napaupo sa may kalsada, that moment, bigla kong nakita bumukas ang pintuan ng bahay ni Gian, si Gian pala yung lumubas, walang dalang payong, mukhang takot na takot, at pumunta sa akin.
"Okay ka lang" sabi nito.
"Oo naman, napaupo lang yung tao eh" sabi ko sabay smile nang super wide."Ikaw, kasi....mag-ingat ka lagi, tingnan mo, buti nalang walang masamang nangyari sayo" sabi nito.
"Oo na, itayo mo na ako" sabi ko, "baka kasi lagnatin pa tayo, pareho na tayong basang-basa ng ulan" sabi ko.
Umakbay ako kay Gian, pero okay naman ako, kunyare medyo shock lang sa nangyari, pero napaupo lang ako, hindi nga masakit eh, pero dumadamoves na ako kay Gian.
"Eto pala gamot mo" sabi ko kay Gian sabay abot ng gamot sa kanya.
"Salamat ah, maligo ka na dito sa baba, may wash room naman dito, doon nalang ako sa taas" sabi niya sa akin.
"Sige" sabi ko.
"Tsaka wag ka maingay pala, si Clarence nakatulog na, hindi ata sanay sa puyat at ang sarap naman kasi ng panahon" sabi niya sa akin.
Si Clarence pala ay nakatulog na sa couch, ang tahimik niya, well deep inside masaya ako kasi meaning nito, mas maraming time kami ni Gian to have our moments.
Nakaligo na ako at nakabihis, titingnan ko sana ang cellphone ko, pero naalala ko, naiwan ko pala ito sa kwarto ni GIan kaya umakyat na ako sa second floor, tiningnan ko ang mga text, wala naman, mga casual convo lang text sa akin, kaya binalik ko na ang phone at pinatong ito sa drawer.
May nakita akong kotseng nakapatong sa drawer, at naisipan kong paglaruan ito, kaya kinuha ko ito at umupo sa sahig.
Naglalaro na ako ng kotse ng napansin ko ang earphones na nakalawit sa kama, itouch ni Clarence pala ito, naiwan rin siguro niya ito.
Ewan ko pero na curious ako, at tiningnan ko ang iTouch ni Clarence, tiningnan ko ito at nakita ko ang na wala naman itong password, kaya ewan ko, binuksan ko ito.
Laking gulat ko nalang nung nakita ko na ang wallpaper niya ay siya kasama ang Gian ko, ewan ko, parang naiinis ako na ewan, kung pwede lang siguro ibato ang gadget niya or idelete ang photo, gagawin ko.
Yung wallpaper lang pala ang patikim, nang tiningnan ko ang pictures niya...
Punong-puno ng mga stolen shots ni Gian...
Nakangiti...
Natutulog...
Kumakain...
Lahat ata ng pictures nasa kanya na, ewan ko pero parang inis na inis ako, OO NAGSESELOS AKO, ito yun. Sabi na nga ba, may gusto yang si Clarence na yan sa Gian ko. Kaso papaano ko gagawin ang ito ng matiwasay, yung totohanin yung relationship namin, wala namang balakid, pero bakit ganito...nahihiya ako.
Naramdaman ko na nawala na yung tunog ng shower sa wash room ni Gian, kaya tinigil ko na ang pagbabrowse ng picture, umupo nalang ako sa kama at kunyare, may tinitingnan sa mobile.
Lumabas na si Gian, suot ang kanyang super cute ng t-shirt at shorts, at ang cute niya pala kapag basa ang buhok niya. Ewan ko parang ang angelic niya lang tingnan.
"Oh ano ginagawa mo ri...................."
Nahulog si Gian, buti nalang sa kama siya bumagsak, kaso...
binagsakan niya ako....
naalala ko na kung bakit
kasi yung kotse, nakalimutan kong pulutin, natapakan niya siguro.
So ngayon, nakahiga ako, at nasa ibabaw ko siya.
Wala kaming magawa kundi magtinginan
Magsasalita nalang sana ako nang....
"Ano nangyayari" isang Clarence na kakagising pero gulat ang nagbukas ng pintuan.
A.N.
Hi guys, sorry sa late update! ^_^ I promise na I'll do my best to update ng mabilis :) busy kasi sa bagay-bagay eh :) Thank you for your support <3
BINABASA MO ANG
Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)
RomanceSi Joshua ay sikat sa kanilang paaralan, siya ay biniyayaan ng gwapong mukha, kung kaya't ito ang dahilan kung bakit siya ay habulin ng babae. Si Gian naman ay bagong lipat sa Manila, mahiyain pero matalino. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa ngayong...