Chapter 1

1.4K 61 3
                                    

Nakayuko ako't nakapikit. Gawain ng ibang estudyante kapag walang guro. Pagod na pagod ako dahil sa pagdedeliver kagabi.

Last year ko na to sa college, kaya naman ay pinagbubuti ko ang aking pag-aaral kasabay ng pagtatrabaho para mabuhay. Nagpapart time ako sa isang restaurant tuwing gabi para naman may pangtustos ako sa aking pang-araw-araw.

Galing ako sa mayamang pamilya ngunit mas ginusto ko ang humiwalay sa kanila para maging independent at maging malayang gawin ang misyon ko sa buhay.

“Alam mo bang narito si Mr. Dhale Franco sa campus?” narinig ko sa usapan ng mga kaklase ko.

Si Dhale Franco ay isang kilalang pulitiko sa buong bansa, marami na daw itong natulungang mahihirap na makapagpatayo ng bahay o makapag-aral o kung anu-ano pa.

Wala naman akong pakialam sa kanila, alam ko ang dapat paniwalaan at ang hindi.

“Wala akong pakialam no, kung si Enrique Gil yan ay talagang magtatalon-talon ako sa tuwa” narinig ko pa ang bangayan ng dalawa hanggang sa pumasok na si Ms. Bree, ang susunod naming guro.

“Go back to your seat everyone” nagpatianod na rin ang mga kaklase ko at nangibabaw ang katahimikan.

Nakatingin lang ako kay Ms. Bree at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“Ms. Scott please go to principal's office”

Nangunot ang noo ko sa narinig. Bat ako pupunta dun? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong maling ginawa o sinuway na patakaran.

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko at ang iba naman ay nang-aasar.

Tumayo na lamang ako at pumunta na sa Principal's office.

Habang naglalakad ay iniisip at pilit kong inaalala kung may mali nga ba akong nagawa ngunit kahit ano pang pilit ko ay wala talaga akong maalala.

Kumatok muna ako bago pumasok. Bumulaga sa akin si Mr. Pempemgco na siyang namumuno ng eskwelahang ito kasama si Mr. Franco?

“Magandang umaga po” sabi ko na lamang at napabaling ang tingin ko sa aking kaliwa. Naroon ang isang babae na nakasuot ng office attire, sobrang ikli ng kaniyang palada at halos makita na ang buong dibdib niya.

Wala na atang kaluluwa ang babaeng to! Pero nang tumingin ako sa mukha niya, nagtama ang aming paningin.

Ang ganda ng mukha niya, parang mukha ng anghel o kaya naman ay dyosa. Ang kaso, hindi ko siya type. Bukod sa ayoko sa babaeng nagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan e mukhang mas matanda pa siya sa akin ng ilang taon.

“Good morning to you too, Ms. Scott” nakangiting bati sa akin ni Mr. Franco. Nagbaling ako sa kaniya ng tingin, nakangiti ito na alam kong punong puno naman ng kaplastikan.

Tumango lamang ako at bahagyang tumingin sa principal.

“Ano ka ba naman Ms. Scott, bakit hindi ka man lang ngumiti kay Senator?”

Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Porket senator kailangan nang ngitian? Pisti!

Ngumiti ako ng pilit “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?”

Nagulat na lamang ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko kasabay ng pagflash ng camera.

Ano to? Lahat may documentation? Shete!

“Maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko, utang ko sayo ang buhay ni Eunice”

Nalilito man ay pinilipit ko itong tumayo.

“Hindi ko po alam ang sinasabi niyo pero tumayo na po kayo dyan” sabi ko at humingi ng tulong sa principal sa pamamagitan ng tingin.

Hindi ako nito pinansin at nanatili lamang sa kaniyang pwesto.

“Tumayo na po kayo dyan Mr. Franco” sabi ko at lumayo na.

Kung ayaw niyang tumayo edi wag. Manatili siya dyan buong buhay niya. Ginagambala lamang nila ang klase ko at ginagamit pa akong instrumento para gumanda ang pagtingin sa kaniya ng mga tao. Hayup.

“Aalis na po ako” sabi ko at lumabas na.

Tumuloy ako sa comfort room para umihi at para na rin ayusin ang sarili ko. Nahaggard ako sa ginawa nv matandang yun.

Nagulat na lamang ako ng may humawak sa braso ko bago pa man pumasok sa loob mg cubicle.

“Ano ba?!”

Nagulat ako ng makita yung babae kanina.

“Anong kailangan mo?” tanong ko at pilit na binabawi ang aking braso. Ngunit mas malakas siya sakin kaya tumigil na ako sa kakawala.

“Gusto kong tanggapin mo to” inabot niya sakin ang isang sobre at nang sa wakas ay binitawan niya na ako saka ko tiningnan ang nasa loob.

Libu-libong pera ang nasa loob niyon at kahit naman kailangan ko ng pera ay hindi ko tatanggapin yun ng walang dahilan.

“Ano bang meron at binibigyan mo ko niyan?” masungit na tanong ko.

Isinandal ako nito sa pader at inilapit ang kaniyang mukha. Yun bang malapit na malapit to the point na magkadikit na ang mga ilong namin.

Shet, bat ang bango ng hininga ni ate. Aaminin ko namang lesbian ako pero wag naman sanang lumabas yun sa ngayon dahil kung di ako makapagpigil ay talaga namang papatulan ko ang isang to.

“Niligtas mo ang kapatid ko noong isang araw. Naalala mo ba?”

Pilit kong inalala kung may nangyari ngang ganun at ang tangi ko lang na naaalala ay noong merong isang batang babae na muntik nang masagasaan ng isang kotse. Inaway ko pa nga ang driver noon at muntik pa akong masuntok.

“Wala naman yun sa akin at hindi ko na kailangan ng pera niyo” sabi ko at ibinalik na ang sobre sa kaniya.

At ang sumunod na nangyari ay nakakagimbal. Shet na malagkit! What iz happeningz?

Wala na akong ibang narinig sa loob ng banyo kundi ang ungol naming dalawa. Can't stop the feeling.

The Rivalry Of Blood And WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon