Chapter 3

809 50 0
                                    

Alexandria's POV

Ilang araw na din mula noong may mangyari sa amin ng Hailee na iyon and I must admit that I missed her already.

Alam kong sinabihan ko siyang 'one time thing' lamang ang nangyari sa amin pero alam kong hinahanap hanap siya ng katawan ko. I don't know what that girl did to me at para akong naengkanto sa kaniya. She really are great in bed at halatang sanay siya makipagsiping habang ako naman ay walang alam.

I alredy lost my virginity with my boyfriend 2 years ago and since then, alam kong I don't belong to be with a guy.

I didn't even enjoy what we did unlike with Hailee, it's a blast.

Pinagsisisihan ko talagang sa lalaki ko pa naibigay ang virginity ko, girls are great in bed pala except me.

I am back from my phases when someone knocked on the door. Pumasok ang sekretarya ko bitbit ang napakadaming papeles saka nilapag ang mga iyon sa aking lamesa.

“Good morning miss Franco, ito na po yung mga documents na kailangan for merging with SGomez Corporation” tumango ako sa kaniya at nagpasalamat.

“Thank you Sandra, you may go”

Bago pa man ito makalabas ng pinto ay pumihit ito pabalik na tila may naalala.

“Nga po pala Ma'am, may dumaan pong babae dito kanina at pinapasabing magkita daw po kayo sa McDonald's sa SM Moa ng 11:30”

Parang nag-aalinlangang sambit nito. Napataas ang kanang kilay ko, sino ba namang tao ang maglalakas loob na gawin yun? Ni hindi man lang ako tinext o tinawagan. At sa McDonald's pa? Ang kuripot! Parang si Hailee lang.....

Wait

Oh

My

Gee

Agad kong pinalayas ang secretary ko at pinatawag ang may hawak ng security footage.

At hindi nga ako nagkamali sa akala ko. Nakikita ko si Hailee na prenteng naglalakad papasok ng building at ang lintik, nagawa pang kumindat sa receptionist. Agad na uminit ang ulo ko dahil sa nakita, napakababaero talaga. Kala mo naman kagandahan, hindi ba?

Pero bakit naman niya gustong makipagkita sa akin? Baka gusto ng round 2.

******

Natawa ako pagkakita sa mukha niya, para itong natatae na ewan. Titingin sa orasan at saka itatap ang mga daliri ng kaliwang kamay sa lamesa.

It's already 12:06 at wala naman talaga akong planong pumunta dito kundi ako nagutom. Talagang nagutom? Ni hindi ka nga kumakain sa fast food.

Lumapit na ako sa pwesto niya at umupo sa kaniyang harapan. Tumingin ito sa akin saka ako binigyan ng masamang titig.

“Bat ang tagal mo?” parang batang sabi nito. May papout pa. Ang cute lang.

Hindi ko talaga alam kung bakit pa ako pumunta. Ay oo nga pala, naguguto nga pala ako.

“Nandito ka pala, Hailee” pagmamanga-angaan ko.

Kumunot naman ang noo nito at minosyon ang kamay para umupo ako.

“Pumunta ako sa opisina mo kanina pero sabi ng sekretarya mo, busy ka daw. Di niya ba sinabi sayo?” nagtatakang tanong nito.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung ano. Ang cute lang kasi talaga ng mukha nito.

Ngayon lang ako nakadama ng ganito pero syempre, wala akong pagsasabihan ng sayang nararamdaman ko tuwing kasama siya. Ilang beses palang kaming nagkita pero feeling ko napalapit na ang loob ko sa kaniya.

And I don't know why.

Nang makita nitong wala akong planong sumagot ay ipinagpatulot niya ang pagsasalita.

“May bad news ako sayo” sabi nito at binuksan ang kaniyang bag at inilabas ang isang envelope.

Tumingin ito sakin at bahagyang ngumiwi. Hindi ko pa man nakikita ang laman niyon ay alam kong hindi iyon maganda. Kaya nga bad news diba?

Peste! Pati sarili ko inaaway at binabara ko na!

“Hindi ko gusto ang laman niyan at alam kong hindi mo rin magugustuhan”

Sabi nito at inilahad ang envelope sa akin. Kinuha ko naman iyon at akmang bubuksan na nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si Daddy pala yun.

“Gotta take this first”

Sabi ko at tumayo para maghanap ng tahimik na lugar. At ang cr lang ang tanging tahimik na lugar dito sa MOA.

Bago pa man ako pumasok sa CR ay sinulyapan ko muna si Hailee na halata ang panlulumo sa mukha.

Lalo tuloy akong naengganyong makita ang laman ng envelope na yun.

“ALEXANDRIA!” napangiwi ako ng marinig ang sigaw na iyon.

Ano na naman bang ginawa ko?

“Dad?”

Narinig ko ang malakas na pghinga nito nagpapahiwatig ng sobrang galit. Nakakatakot pa namang magalit si Daddy.

“Ano na naman ba ang kalokohang ito, Alexandria?!”

“Ano pong ibig niyong sabihin?”

Narinig ko ang malakas na pagsigaw nito. Galit na galit nga. Pero ano bang ginawa ko? Wala naman akong maalala na may mali akong ginawa.

“Sa lahat ba naman ng makakarelasyon mo sa babae pa? At sa anak pa ng kumpare ko?! Kailan ka pa nagloloko?!”

Anu daw?

“Dad wala naman....”

“Wag ka nang tumanggi pa, bukas na bukas din ay mag-uusap tayo ng masinsinan kasama yang karelasyon mo!”

At wala na akong ibang narinig pa kundi ang

*tooot toot toot*

Napabuntong hininga ako ng malakas. Wala naman akong nakarelasyon na babae, tanging fling fling lang. Siguro ay may nakalandian akong anak ng kumpare niya.

Napailing nalang ako at lumabas na ng cr. Naabutan ko si Hailee na may kausap sa telepono.

“Yes ma.... I can't clearly hear you....... Alright! I'll tell her... Bye....”

Ibinaba nito ang telepono at tumingin sa akin.

“This is all your fault”

The Rivalry Of Blood And WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon