CHAPTER 6

645 54 4
                                    

Alexandria's POV

“Meeting adjourned”

All the board members exit the meeting room. Nakatungo lang ako habang pinagmamasdan silang lumabas. Kung ako lang sana ay mananatili ako sa bahay at buong araw na magpapahinga at hindi magpapaistorbo.

It's been a month since I last talked to Hailee. After my confession ay hindi na ito nakapagsalita dahil pinatawag na kami ng aming mga magulang, they decided to arranged a marriage not because of the photos of me and Hailee kundi dahil sa yun na din naman daw talaga ang plano nila simula noong highschool pa sila. Ang ipakasal kaming dalawa.

I don't know what to react, hindi ko rin mabasa kung ano ang nararamdaman ni Hailee dahil tila walang emosyong ang namutawi sa kaniyang mukha.

Galit ba ito dahil sa pag-amin ko?

Buong gabi ay hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. Hindi na rin ako nakapagpaalam noon kay Hailee dahil di ko namalayang nakatulog ako sa sofa sa sobrang pagod.

Pagkagising ko naman sa sumunod na araw ay tanging voicemail na nagmula sa kaniya ang bumungad sa akin.

Sinasabing mawawala siya ng ilang linggo o buwan dahil may aasikasuhin siya.

Hindi ko alam kung bakit ako nangungulila ng ganito. Siguro ay namimiss ko lang talaga ang presensya niya.

Tinanong ko din si Tita Kyla kung kailan babalik si Hailee ngunit ang sabi lang nito ay malapit na at huwag akong masyadong mag-alala.

Namula pa nga ang buo kong mukha noong mga oras na iyon pero agad ding nawala nang maalala ko na naman siya.

Miss na miss ko na talaga si Hailee.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang isang matipuno at guwapong lalaki. Kung hindi ko lang kilala ang lalaking ito ay siguradong mabibighani na ako kaagad.

“Nice to see you again, Ria” nakangiting sabi nito at binigyan ako ng bulaklak.

Ngumiti ako sa kaniya pabalik.

“Nice to see you too, Raymond” nakangiting bati ko rin.

Raymond is my ex boyfriend, mabait siya at maalaga. Yun nga lang ay nawalan na ako ng gana sa mga lalaki dahil narealize ko na I'm not into them.

“What are you doing here? Hindi ko alam na nakabalik ka na from Korea”

Ngumisi ito at prenteng umupo sa tabi ko.

“I want to surprise you, anyway, I am here to ask you out sana” sabi nito with hope in his eyes.

“May gagawin ka ba today?”

Napaisip naman ako, wala na naman akong ibang gagawin ngayong araw bukod sa meeting mamayang gabi with new investors.

“I am free until 6pm”

Sumilay ang isang napakalaking ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Good to here that, so let's go?”

Sabi nito at tumayo. Iniabot sa akin ang kaniyang kanang kamay na hindi ko naman tinanggihan.

We were about to walk out of the room when someone else entered.

Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ang aking pagsinghap. After a month ay ganun pa rin ang epekto nito sa akin. I really miss this woman in front of me.

Ngingiti na sana ako upang batiin siya ngunit nakita ko ang pagkunot ng noo nito at unti unti pagbaba nang kaniyang tingin na tumigil sa magkahawak kamay namin ni Raymond.

Wala sa sariling binawi ko ang aking palad.

“Hi Hailee” masayang bati ko at lumapit sa kaniya.

I was about to hug her but umiwas siya.

“Hi to you too Alexandria”

Hanggang ngayon ay namumula pa rin ako tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

“I am here sa to talk to you about what we left last month. But I think it's no use. Aalis na ako”

Mabilis itong tumalikod at naiwan kaming dalawa ni Raymond. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya o mananatili lang dito sa loob ngunit dahil sa kakulitan ng puso ko ay sumunod ako sa kaniya.

Hinabol ko siya hanggang sa parking lot ngunit mabilis na niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

Nanlumo akong napaupo sa gilid. Gusto kong maiyak.

Ganun ganun nalang? She won't let me explain a thing? She won't let me explain that Raymond and I are just friends?

------

Pwede po bang magrequest ng vote and comments? 😅 Thank U

The Rivalry Of Blood And WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon