Wala akong ganang nagbibihis para sa meeting mamaya. Matamlay ang bawat kilos ko, naiinis ako sa sarili ko.
Alam kong wala naman akong ginawa pero sinisisi ko pa rin ang katangahan ko. Sana pala di nalang ako pumayag sa paanyaya ni Raymond though it's all about friendship na naman talaga.
Raymond and I decided to be friends kahit may nakaraan kami, romantically. Para ko na siyang kapatid kung ituring at hindi pumasok sa isip ko na makipagrelasyon maliban kay Hailee.
Hindi na nga rin natuloy ang lakad namin ni Raymond dahil pinakiusapan ko siyang next time nalang. I know Raymond sense something, hindi ko naman inilihim sa kaniya ang tungkol sa sexuality ko noong makipagbreak ako sa kaniya kundi tinanggap niya ako ng buong puso.
Nagmamadali akong pumasok sa venue ng meeting. Hindi ko alam kung sino ang new investor namin dahil ginusto nitong anonymous nalang pero ngayong gabi ay makikilala ko na siya.
“You have a reservation ma'am?” magalang na tanong sakin ng waiter. Tumango ako at may pinakita sa kaniyang papel, tumango naman ito.
“Follow me Ma'am”
The restaurant's ambiance is so relaxing, ang ganda ng atmosphere and very comforting. Siguradong puro mayayaman lang ang may kakayahang kumain dito.
Tumigil kami sa isang table na may isang babaeng nakaupo. Nakatalikod man ito ay sigurado na akong siya yun. Biglang tumibok na naman ng mabilis at malakas ang aking puso. This feeling is overwhelming yet scary.
“Hailee?”
------
Buong dinner ay wala akong gana. Nakipag usap lang ako kay Ms. Erika Novale kung may katanungan siya about sa company, di ko rin maiwasang tapunan ng tingin ang katabi nitong si Hailee.
Tahimik lang ito simula pa kanina. Tatango o kaya naman ay ngingiti lang ito ng tipid kapag kinakausap at tinatanong.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na magselos. Ang sweet kasi nila kanina pa at gustong gusto ko nang umalis but I don't want to be rude, ayokong haluan ng personal issue ang business namin because that might be the start of our fall.
“Thank you very much for trusting our company Ms. Novale” nakangiting sabi ko at nagshake hands kami.
“It is my pleasure Ms. Franco” nagulat ako nang halikan nito ang likod ng aking palad.
Para akong estatwa na hindi makagalaw.
Ngumuti akong muli at nagpaalam na ngunit bago pa ako tumalikod ay tinapunan ko nang masamang tingin si Hailee na ngayon ay hindi maipaliwanag ang mukha. Tila naiinis ito o kung ano man.
Nasa parking lot na ako at hinahanap ang susi ng aking kotse nang may humila sa akin at bigla nalang akong siniil ng halik.
Pilit akong nagpupumiglas but this person is obviously much stronger than me.
Bigla itong tumigil only to find out that it is Hailee. Hindi naman magkamayaw ang puso ko sa bilis ng tibok, gusto na atang lumabas.
“Sumusobra ka nang babae ka a!” galit na sabi nito at humigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
“Nalingat lang ako ng isang buwan lumalandi ka na! Tandaan mo to Alexandria, you are mine and mine alone. Handa akong gawin ang lahat mapasakin ka lang” mariing sabi nito at iniwan akong nakatulala.
I don't know what to feel, kung matutuwa ba dahil sa pinapakita nitong possessiveness o magagalit dahil sa pang-iinsulto nito sa akin.
But all I know is, I fucking hate her and love her at the same time.
BINABASA MO ANG
The Rivalry Of Blood And Water
Romance"Kung hindi mo mababayaran ng pera ang kinuha mo, bayaran mo gamit ang katawan mo" - Alexandria "Hindi mangingibabaw ang pagmamahal ko kaysa sa mga kasalanang dapat mong pagbayaran!" - Hailey