Chapter 5

724 54 0
                                    

Hailee's POV

I was taken aback when the door closed loudly. No kissing, no touching. Fine! Pero bakit kailangan niya akong pagdabugan, sa pagkakaalam ko kasi ay pareho naming ginusto ang nangyare.

Or it was just me.

Napabuntong hininga ako. Alexandria is making me insane.

Sa ilang araw naming di pagkikita ay para akong mababaliw. Hinahanap hanap siya ng mata, labi, at ng ano ko. I'm getting horny just by thinking of her and that made me wonder. What did she do for me to feel this way? Hindi naman ako ganito dati.

Aaminin ko, I'm starting to like her and there's nothing wrong with that. Though, alam kong unang kita ko palang sa kaniya ay hindi ko siya nagustuhan. She's so liberated when it comes to clothes, gaya nga ng sinabi ko dati, ayoko kasi sa babaeng mahilig magpakita ng laman.

“Bakit di ka pa umaalis?” masungit na tanong nito sakin.

Napangiti ako dahil mas lalo siyang gumaganda kapag nakakunot ang noo. Kahit wala siyang make up ngayon ay kitang kita parin ang ganda niya, gusto ko tuloy siyang hilahin at paulanan ng halik.

“Don't look at me like that, Hailee. Tandaan mo ang sinabi ko kanina” mariing sabi nito. “Umuwi ka na”

Napabuntong hininga ako nang tumalikod na ito at pumasok sa walk in closet niya. Ang daming katanungan sa isip ko ngayon.

Bakit bigla siyang nagkakaganito?

Bakit ako nagkakaganito?

Bakit ko nararamdaman to?

Ano nalang ang mangyayari kapag nagkausap na sila ni mama at papa?

Ano nalang ang mararamdaman niya?

Gayunpaman, hindi ko napigilan ang sarili kong sundan siya sa loob ng closet.

Nakatalikod ito sa akin habang naghahanap na masusuot. Nakalacey panty ito at walang suot na bra. Napalunok ako.

She's so sexy and hot.

“What the!!!!!” sigaw nito nang biglang humarap sa akin. Gusto kong matawa sa itsura nito pero agad kong pinigilan ang aking sarili.

“What are you still doing here?”

“Stop pushing me away, Alexandria. You did this to me, you made me addicted to you, you made me thirsty, you made me hungry” sabi ko at unti unting lumapit at unti unti din siyang umaatras.

“Wala ka nang magagawa pa. You're mine now”

Sabi ko at lumakad palayo. Hindi para umalis kundi para magluto. Nagugutom na ako.

The day went great, we had breakfast peacefully and watch movie together. Wala na naman siyang ibang sinabi na para bang mas pinili niya nalang ang manahimik at wag makipagtalo.

Kahit naman umangal siya ay di ako papayag. Kahit mas matanda siya sa akin ay hindi ako papayag na siya na ang mas may kaparatan magdesisyon. I can do whatever I want kahit kapalit pa niyon ay ang pride ko. Willing akong umuwi sa amin, pamahalaan ang kompanya, at angkinin ang isang Alexandria Franco.

“You really are unbelievable” sambit niya during lunch. I asked her why she said that pero binigyan niya lang ako ng isang matalim na tingin.

And now, thirty minutes before the dinner with my family and her father ay kinakabahan na ako. I know the possibilities of what will happen, and I am ready to accept that. Kahit hindi pa pumayag si Alexandria. I know myself that I have a strong feelings toward her and I don't want to name it, dahil sa oras na gawin ko iyon. Hindi ko na alam.

It is so awkward at the dinning table. Nandito kami sa bahay ng mga Franco, my mama and papa are here. Kung hindi mo sila kilala ay hindi mo aakalaing galing sila sa mayamang pamilya, my mama is wearing jeans and white blouse while my papa is wearing his pants and simple blue t- shirt.

Napadako ang aking tingin kay Mr. Franco na todo ngiti. He's wearing his usual business clothes, wala na rin namang bago.

Naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Tumingin ako sa aking katabi, dama ko ang kaniyang pagkanerbyos dahil sa malamig niyang kamay.

“Welcome to our home, Alexis and Kyla. And to you, Hailee” basag ni Mr. Franco sa katahimikan.

Tila nabigla si Alexandria sa sinabi ng kaniyang ama. “You know them daddy?” takang tanong nito.

“Why yes. They are my friends way back in college”

“Yes dear, Alexandria. Your father here is my bully” my mama joked.

The dinner went nice hanggang sa nagpaalam si Alexandria na magpapahangin. Sinundan ko naman ito upang itanong kung okay lang siya at isang malamig na oo lang ang natanggap ko.

“You didn't tell me you're from a prominent family” she said.

Nakaupo kami sa damuhan ng kanilang garden at nakatingin sa kawalan.

“You didn't ask and I didn't know I need to”

Tumingin ito sa akin at pinakatitigan ako.

“What will happen next?” she asked na tila hindi rin sigurado kubg dapat nga ba niyang itanong sa akin yun.

“I don't know”

Nagulat ako nang bigla itong humiga. Nakatingin lang ito sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituwin. Ilang minuto din siyang ganun ang posisyon habang ako ay pinakatitigan lang siya. She's really pretty. Meron parte sa sarili ko na gusto pa siyang kilalanin and there's really something in me na nagpapaalala ng nakaraan na hindi ko matandaan.

Humiga ako sa tabi niya at tila nayanig ang buo kong sistema sa narinig.

“I like you, Hailee”

------

Can I have votes and comments as a reward?

The Rivalry Of Blood And WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon