KUMOT

118 1 1
                                    

Hindi ko rin malaman kung anuba ba talaga ang halaga ko,
Sa tuwing trip mo lang ba gagamitin mo ako,
O baka naman kapag ang panahon hindi tumutugma sa emosyon mo,

Hindi ako isang kumot na kapag gusto mo gagamitin mo ako,
Gagamitin hanggang sa gusto mo,
Na para bang walang limitasyon,
Dahil ba malamig ang panahon,
Dahil ba ang klima ay hindi tumutugon,

Kung mapapansin paulit-ulit,

Hindi kasi sa trip ko,
Gusto ko iparealized sayo,
Na bagay at importante rin ako,

Na nahihirapan at nasasaktan,
Sa mga pa ulit-ulit na nararanasan,
Hindi ko man matumbasan,
Hindi ko man mabilang,
Mga kamalian na sa akin iniwan,
Iniwan na parang hindi nagpaalam.

At hindi pinaramdam ang saya,
Na nararamdaman sa mga sandaling gamitin mo ako sa higaan.

Na sana hindi na uminit pa,
At sana tumigil ang oras na katabi ka,

Pero ganun talaga pag isa kang kumot,
Kapag gustong mag painit,
Sa mga emosyong masakit,
Na tuwing gabi lang tayo nagdidikit.

Na parang isang Kumot na hindi man kagamit gamit,
Pero hahanap hanapin kapag malamig,
At syempre papalitan na kapag napunit,

Na parang sa isang relasyon,
Hindi na maibabalik ang matinding komunikasyon,

Na mag pupuyat ka sa gabi,
Kasi alam mo ako ang katabi,
At hindi ka lalamigin kasi ako ang gamit at pantaklob sa gabi,

At dito ako magwawakas,
Sa isang malamig na gabi

Na kailan ng isang kumot sa gabi!

WHAT I ENCOUNTER           SPOKEN WORD POETRY (TAGALOG) Where stories live. Discover now