ORASAN

105 1 0
                                    

BAKIT ba?!!!

Bakit sa tuwing umiikot ang orasan,
Ganun din ang iyong mga galawan,
Para bang kabaliktaran na pag galaw ng isang orasan,

Hindi ako isang Orasan Na magsasabi ng oras sayo,
Hindi ako ang orasan na kayang magdikta sayo,
Kasi alam ko at ng buong mundo,
Hindi ako titigil sa pag ikot ko,

At lalong hindi ako orasan na lalagyan mo ng baterya,
Baterya na nagbibigay enerhiya,
Enerhiya na mag bibigay lakas na iwanan ka.

At meron akong mga galamay,
Na magbabantay.

Sa mga kilos mong hindi tugma sa mga emosyon,
Emosyon na guguluhin ang iyong mga desisyon.

At lalong lalo na hindi ako isang orasan.

Na mangagaliwa at magtataksil sa relasyon,
Relasyon na nagsimula sa Emosyon,
Na hanggang sa tumatagal ikay nag desisiyon,
Desisyong hindi tama at tugma,
Sa mga takbo ng oras at sa mga numero sa orasan mo,
Kaya kung ako sayo,
Maghihintay ako,
Hanggang sa orasan ko ay tumigil at NAKATURO SA IYO!

WHAT I ENCOUNTER           SPOKEN WORD POETRY (TAGALOG) Where stories live. Discover now