Laban o Paalam

85 1 0
                                    

Mga nakaraang mahirap nang kalimutan pa
Mga nakaraan kung saan mayroong lungkot at saya
Mga nakaraan kung saan palagi pa tayong nagsasama
Nasaan na nga ba?

Mga alaalang biglang nasayang
Nang dahil lang sa biglaang pagdating niya
Mga alaalang nabura na
Dahil sa biglaang pagpasok niya

Ang dating asaran, kulitan, tawanan,
Na ngayon ay humantong na sa walang pansinan

Hindi ko na maintindihan
Mga bagay na pilit gumugulo sa aking isipan
Sabi ng aking isipan,
Paalam.
Pero sabi ng aking makasalanang puso,
Patuloy 'pang lumaban

Kung bakit ba naman kasi ako napamahal sayo
Ayan tuloy,
hindi ka mawala sa puso't isipan ko
Kung pwede nga lang kitang .angkinin
At hatakin sa puso ng iba,
Kaso hinaharangan naman ako ng tadhana

Gusto kong ialay ang tulang 'to para sayo
Dahil ikaw ang sinisigaw ng tulang ito
Sana hindi ka mapagod ngitian ako kahit pilit lang
Dahil tanggap ko naman na hanggang dito na lang


Sana balang araw malaman mo din ang halaga ko
Nakakapagod din kasing tiisin ang paghihintay ko
Sana makabuo ulit kayo ng bagong alaala
Kung saan habang buhay niyong idadala

Sa ngayon, lalayo muna ako
Lalayo sa saya at lungkot ng dating tayo
Pero lalaban pa ako
Susubukan kong kalimutan ka
Kahit alam kong hindi mo kayang suklian ang lahat
Lalaban ako kahit alam kong hindi pa ito sapat

WHAT I ENCOUNTER           SPOKEN WORD POETRY (TAGALOG) Where stories live. Discover now