NAKARAAN

65 2 0
                                    

Ang sarap balikan ang nakaraan,
Lalo na kung meron kang iniwan,
At syempre mga sinaktan,
Gusto kong bumalik sa nakaraan,
Kasi gusto kung maranasan,
Muli ang ang mga sandali,
Na kapiling at kasama ka,

Naaala mo pa ba? Ang mga laro,
Laro hindi pangkalye at pati laro ng puso,
Hindi ko man maikubli,
Ang mga alala sa tuwing naglalaro ka,
Na para bang walang humpay na kasiyahan,
Na para bang wala ng katapusan,

Ma tanong nga? Magkano ba pamasahe pabalik sa nakaraan,
Upang sabay nating balikan,
Ang mga alala ng lumipas at mga masasakit na karanasan,
Upang maitama at hindi na muli pang madanasan,
At sana hindi na naranasan pa,

Ikaw? Gusto mo bang bumalik sa nakaraan,
Kasi kung OO, sasamahan kita hanggang ang panahon ay tumugma,
Sa kasalukuyan,
At upang hanggang sa ngayon,
Wala na tayong problema kinahaharap ngayon,

Kaya kung gusto mong sumama,
Mag ipon-ipon ka na,
Kasi sisimulan natin ang isang bagong kabanata,
Ng masaya at walang problema,
Sa ating NAKARAAN..

WHAT I ENCOUNTER           SPOKEN WORD POETRY (TAGALOG) Where stories live. Discover now