PANGAKO

82 2 0
                                    

Akala ko dati totoo,
Mga salitang binigkas mo,
Sa harapan ng buong mundo,
Na pawang binigyang kwento.

Na sa likod nito walang kasiguraduhan,
Mga pangakong binitawan,
Na kahit itago at pagtakpan,
Hindi ito maiiwasan,
Lalo na sa mga desisyon mong makasalanan at walang kasiguraduhan,
Mga pangakong akalay papatunayan.

Heto ang mga ilang sinabi mo,
Sabi mo tayo hanggang dulo,
Sabi mo tatagal tayo,
Sabi mo maghihintay tayo,
Sabi mo stay strong tayo,
Pero parang may mali,
oo nga hindi na tayo.

At sa panahong ito,
At sasabihin ko sa mukha mo,
At sa buong mundo,
Na ang mga pangarap mo,
Hindi matutumbasan ng pagmamahal ko!!..

WHAT I ENCOUNTER           SPOKEN WORD POETRY (TAGALOG) Where stories live. Discover now