UNA

498 12 0
                                    

"Mariaaaaaah!" nagpantig ang dalawa kong tenga sa narinig na boses na tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa gawing likod at ganoon na lamang ang pagkainis ko ng makita siya. Si Mikee--- ang manliligaw ko ngunit alam ko naman na pinagtritripan niya lamang ako. Bakit? Sapagkat alam ko naman na walang magkakagusto sa akin na ubod ng taba. Si Michael Rios o mas kilalang Mikee sa school namin. Sikat siya sa kadahilanan na gwapo siya at matipuno. Lahat ata ng nanaisin ng isang babae ay nasa kaniya na.

"Ano!?" pagalit na tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin. May bitbit itong tray na may laman na gulay na ulam at kanin.

"Wait" hapong hapo niyang usal at pinatong ang tray na bitbit sa lamesa ko. "You should try this.." ani niya at naupo sa katapat kong upuan.

"I don't want to." madiin kong sagot at pinagpatuloy ang kinakain kong burger at softdrink. Pareho kaming College student ni Mikee. Nursing ang kurso niya at ako naman ay Business Management.

"Hindi healthy ang kinakain mo Riah." seryoso niyang sabi sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at hindi pinansin. Habang kumakain ako , pinatong niya ang isang bungkos ng rosas sa lamesa na kinainis ko lalo.

"Pwede ba? Tigilan mo na ako. Alam ko naman na pinagtritripan mo lamang ako at pinagkakatuwaan ng barkada mo." Angil ko sa kanya at padabog na tumayo. Agaw pansin iyon sa loob ng cafeteria lalo na dahil kay Mikee, kalat sa campus ang panliligaw niya sa akin. Kaya imbes na tahimik ang mundo ng pag-aaral ko, ito ay gumulo dahil sa ambisyosang fans ni Mikee.

Akmang aalis na ako ng pigilan niya ako gamit ang paghawak sa pulsuhan ko. Kumunot ang noo ko at pinilit baklasin ang kamay niyang nakahawak.

"Don't leave.." malambing ang pagkakasambit niya na parang kinatutunaw ng inis ko.

"Mag-usap tayo." Seryoso kong sabi at naglakad na palabas ng cafeteria ng tanggalin niya ang kamay niya sa akin.

-

"Tumigil kana.." Agad na sabi ko pagkarating sa isang tahimik na patio dito sa campus.

"Why would I?" tanong niya .

Napahilot ako ng sentido at nauubusan ng pasensya sa kaniya.

"Hindi mo ba makita!? Every one hates me because of you! Tsaka alam ko naman na trip mo lang ito! I know you don't love me!" sabi ko sa kanya na kinakunot ng noo niya.

"How can you say that I don't love you? I don't care if they hate you because I love you! Darn! Seryoso ako! Can't you see? Hindi na ako sumasama sa barkada ko para lang mapatunayan ko na seryoso ako sayo! Bakit kita pagtritripan?" Seryoso niyang sagot sa akin na kinatulala ko. Sa tatlong buwan na panliligaw niya, ngayon ko lamang siya nakitang seryoso sa sinasabi nya. Nanahimik ako at  Hinawakan niya ako sa siko, at seryosong tiningnan sa mga mata.

"B-bakit ako pa?" Nanginig ang boses ko at hindi makatingin sa kaniya.

"Why not?" Tumikhim siya at nagpatuloy "Darling... Just let me love you.."

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon