PANG-APAT

190 16 0
                                        

Lumipas ang ilang linggo ng kaniyang panliligaw. Madaming nagbago ngunit madami din ang naninira sa amin.

"Love?" Tawag sa akin ni Mikee.

"Hmmm?" I muttered while busy sipping my mcFroze.

"I love you.." Napangiti ako at napatingin sa kaniya.

Should I say...I love you too?

Napasulyapa ko sa tapat namin na ferris wheel. Payapa na ang gabi at malamig na ang simoy ng hangin.

"Nilalamig ka-----

"I Love you too..." Biglang putol ko sa kaniya. Bigla siyang natulala sa akin. Natigil din ang pagtanggal niya ng jacket para isuot sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa tigkabilang braso ko.

"D-did I hear it right!?" Tila 'di makapaniwalang tanong niya sa akin. Nakangiting tumango tango ako . I was stunned when he hug me so tight.

"I love you more..." Bulong niya sa akin. Labis ang galak ko at napayakap na lamang sa kaniya pabalik.

-

"Tsk! H'wag na kasi, Love...nahihiya ako sa tropa mo..." ani ko habang nakanguso . Ngayong araw daw niya ako ipapakilala sa barkada niya. Kilalang maloko ang barkada niya kaya naman natatakot ako.

"Bakit ka mahihiya? Kinakahiya mo ba ako?" biglang tanong niya na may halong pagtatampo.

"Hindi ah! P-pero...nakakahiya k-kasi ang...taba ko..." I said.

"It'sdoesn't matter to me.." Sagot niya na kinangiti ko. Iyan palagi niyang sinasabi tuwing sinasabi ko na mataba ako. Laging It's doesn't matter to me. It always flattered me.

"Hays...sige na nga!" Ngumiti siya ng malawak at ako naman ay pumunta na sa kwarto ko upang magbihis. Nasa bahay kasi kami ngayon dahil bigla niya akong pinuntahan dito at para isama sa date daw ng barkada. Simpleng denim skirt at shirt na binagayan ng puting sneaker.

"Your simplicity is your beauty.." komento niya ng makita niya ang damit na suot ko. Agad na nag-init ang pisngi ko.

"Tsk! Bolero ! Tara na nga!" Yaya ko at nauna ng lumabas.

"Is that your girlfriend Mikee?" Agad na tanong ng isang babae pagkarating namin sa restaurant na napag usapan nila. Sinipat niya pa ang kabuuan ko at napairap sa akin, ngunit matamis siyang ngumiti kay Mikee.

"Yes, Everyone please meet my beautiful girlfriend.. Riah Dayahan." pagpapakilala niya sa akin at may malawak na ngiti sa labi. Ngumiti sila at lumapit sa akin ang tatlong lalaki.

"James" ani ng isang lalaki, nakipag kamay ako at ngumiti.

Pumalit naman iyong isa na may dimple sa kaliwang pisngi. "Luke"

"Rhy" maikling pagpapakilala nila. Kasabay noon ay ang pagpapakilala nila sa girlfriends nila.

"Excuse us.." sabi ng isang babae at sabay na umalis silang tatlong babae .

"Uh...Mikee...rest room lang ako." Pagpapaalam ko sa kaniya.

"Ha? Hatid na kita.." Sabi niya pa.

"No, wag na. Kaya ko na "

"You sure?" Tanong niya pa.

"Of course....Excuse me"

Tumango ang tatlo at kinantyawan pa si Mikee sa pagiging possesive daw nito. Hays..

Pumasok ako sa isang cubicle at natulala ng may marinig ako.

"Do you think, seryoso si Mikee sa babaeng iyon?"

"Of course not! That woman is Fat, do you think Mikee will take that seriously? Kilala natin si Mikee, He likes someone like me.."

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon