"Just let me Love you"
Napasambunot na lamang ako ng buhok ko at stress na napadapa sa kama ko.
Stress ang mga fats ko dahil sayo Mikee!!
Nagbukas na lamang ako ng social account ko sa facebook at ganon na lamang ang gulat ko ng agad na bumungad sa akin ang bagong post ni Mikee .
Michael Rein Rios
"Just let me love you and I will give you all my world, darling"
-M.D <3I almost can't breath ng mabasa ang huling letra sa post niya. MD? Ako ba iyon?? Mariah Dayahan? Oh!
"Asyumera.." Bulong ko sa sarili ko at nag log out na lamang. Naguguluhan na ako. Ano bang gagawin ko? Maniwala sa kaniya?
"Anak?" Tawag ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Agad akong umayos at tinungo ang pinto para pagbuksan siya.
"Bakit po?" tanong ko kay Mommy at ganoon na lamang ako gulat ko ng makita ang kakaibang tingin at ngiti ni mommy sa akin.
"Nandito na ang manliligaw mo, hindi mo man lang ako sinabihan dito anak" natigilan ako at ginapang agad ng kaba dahil sa sinabi niya. Agad kong tinungo ang unang palapag ng bahay at nakita ko si Mikee na prenteng nakaupo sa malaki naming sofa.
"A-anong ginagawa mo dito?" nanginig ang boses ko ng tanongin ko siya.
"Visiting you? Good evening, Mrs.Dayahan" bati niya kay Mommy at si mommy ay tumango lamang.
"Why don't you invite your suitor in our Dinner Riah?" sabat ni Mommy.
"Uh? Eh...ano? A-aalis din naman siya mommy e.. T-tsaka gabi na diba? Baka----"
"It's my pleasure to eat with you Mrs.Dayahan" he cut me off.
Shetaks! Kapal ng mukha!
"Kung ganoon maupo ka na lang muna at ipapahanda ko ang dinner" bago pa ako makaprotesta, umalis na si mommy at pumunta ng kusina.
"Ano bang ginagawa mo!?" Pasiring na tanong ko sa kaniya. Ngumiti lamang ito sa akin.
"Don't worry, I just wanna prove to you na seryoso ako at...." He trailed off.. "Mahal kita.."
"A...anong m-mahal!? Tigilan moko ! Ayoko sabi!" naiinis na ako sa kanya!
"Ayoko...I don't want to stop! Mahal kita! Bakit ba ayaw mo sa akin?" Tila nanghihina niyang tanong sa akin .
"H-hindi sa ayaw ko sayo pero---"
"So, does it mean you like me?"
Hindi agad ako nakapag isip ng tanongin niya iyon na may kasamang ngisi.
"W-what!?" Tanging sagot ko at kinakabahan na talaga ako.
"You like me.." ngumiti siya at lumapit sa akin. " Ano bang problema? Bakit hindi mo na lang ako hayaan?"
"H-hindi tayo bagay..." Napayuko ako at aminado ako sa sagot ko na iyon. "Gwapo ka..matipuno...matalino.. At lahat ng gusto ng babae na sa iyo na.. At ako? Wala ako sa lebel mo.."
"Who said that?" Kunot noo niyang tanong. "Maganda ka, gwapo ako. Matipuno ako, sexy ka. Matalino ako pero mas matalino ka. Bagay tayo.."
"Hindi ako sexy!" Agad kong sagot at ngmuso. Natulala ako ng pisilin niya ang pisngi ko .
"Body..doesn't matter to me, Darling"

BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceSa kasalukuyang mundo na ating ginagalawan, ang pisikal na anyo ay importante na. Kung pangit ka, sumpa yan. Kung mataba ka, malas mo. Kung pandak ka, mamaliitin ka nila. Kung maitim ka, panglalait ang matatanggap mo. Kung na sa'yo ang lahat ng iyan...