PANGATLO

200 16 0
                                    

"Riaaaaaah! Nandito na ang sundo mo!" Tila kinikilig na sabi ni Mommy, ako naman ay hindi mapakali. Muli kong sinilayan ang sarili sa salamin. Sinipat ko ang aking katawan. Hindi naman ako ganoon kataba ngunit naiinggit pa din ako sa mga ka-batch ko na mga babaeng sexy,balingkinitan o makurba.

Bumaba na ako at dumeretso sa labas ng bahay. Naghihintay doon ang lalaking ubod ng kulit . May hawak itong bungkos ng bulaklak .

"Good morning,Darling" malambing na bati niya na kinainit ng pisngi ko.

"Same" supladang sagot ko at inabot niya sa akin ang bulaklak. "Salamat" bulong ko .

"Let's go?" He asked and open the car door for me. Tumango ako at sumakay na.

Habang nasa biyahe, tahimik kami parehas hanggang sa marating namin ang Unibersidad na pinapasukan namin. Hindi magkamayaw ang tili ng mga babaeng estudyante pagbaba niya ng kotse. Agad na tumahimik ang lahat ng pagbuksan niya ako at inalalayan paglabas ng sasakyan. Tinamaan ako ng hiya at napayuko na lamang. Nagulat ako at ang lahat ng hawakan niya ang baba ko, at iangat ito . Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Rinig ko ang mga bulong ng mga taong nadadaraanan naming dalawa. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Dahil kasama ko ang taong pinapangarap nila o maiinis dahil sinisiraan nila ako.

"Don't mind them.." He uttered . Napatingin ako sa kaniya, isang matamis na ngiti ang ginawad niya sa akin na kinatigil ko. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. What's this? Why am I feel strange?

"Uh...s-sige" kinakabahang sagot ko .

Lumipas ang ilang minuto, narating namin ang room ko at nagpaalam na siya. Hinatid niya pa talaga ako. Pagpasok ko ng silid, masasamang tingin ang bumungad sa akin.

"Tsss..ambisyosa."

"I bet, trip lang siya ni Mikee"

"Of course! Sino bang may matinong isip ang papatol sa kaniya?"

"Hahaah! She's desperate assuming piggy"

Nanggigigil ako na lumagpas sa kanila. Tama naman sila, iyon ang katotohanan. Maaring asyumera lamang ako at pinagtritripan lang ako ni Mikee.

Nagulat ako ng mag-vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bag at tiningnan ito.

Unknown number:

Don't mind the other's says and think. Just let me do the things I want. Just let me love you and I will handle everything... I'll protect you in everything... I love you... I'll always..love you.

I was stunned and my heart is throbbing so fast. Only the heart beat of mine is I can hear. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko .

What is this? Maybe this is what they called. Kilig ...

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon