Chapter 29.

153 9 0
                                    


Andy's POV*


Nandito na kami sa school pero nandito ako ngayon sa labas ng gate inaabangan ang pagpasok ni Erza, balita ko kasi papasok din siya dito kaya ibibigay ko sa kanya ang phone niya.


Di ko kasi naibigay sa kanya to kagabi dahil umalis sila kaagad ng kuya niya. My mga pasa sa mukha si James dahil sa suntok ni Nick, gagong Nick na yun di muna inaalam ang buong pangyayari basta-basta nalang susugod. Pero ano nga ba ang nangyari ky Erza? Alam kung my kinalaman si James dun dahil nakasave yung number dun ni James at alam kung tinagawan niya si Erza kagabi dahil nakita ko dun sa phone call pero ano nga ba ang totoong nangyari ky Erza? Aish, nasan naba kasi ang babaeng yun. Ba't ang tagal pumasok?

Nagpalinga-linga ako sa paligid at my natanaw akong isang limousine na paparating kaya dali-dali akong nagtago dun sa my puno malapit sa entrance gate ng school.


'Kasama niya pala mga kuya niya pati yung babae na parang bakla kaya ano na gagawin ko neto? Saka ko nalang to ibibigay ang phone niya pagnakahanap ako ng tiempo.'


Nakita kung unang lumabas si Liam galing sa loob ng limousine pagkatapos nilahad niya ang kanyang kamay sa loob para alalayan si...

'Morwenna? Tsk, akala ko si Erza.'

Pagkatapos lumabas nung dalawa umalis na kaagad ang limousine. Mukhang wala silang mga body guards ngayon pero nasan si Erza? Ba't wala siya? Di na naman ba siya papasok?


'Sigh. Miss na miss ko na siya at nagsisisi talaga ako dahil sa mga panahong naging cold ako sa kanya at yun pa yung time na my gusto siya sakin.'


"Gago mo kasi Andy." Bulong ko saking sarili.




Dismaya akong lumabas sa pinagtatagoan ko, dahil di na naman papasok si Erza ngayon. My sakit kaya siya? Wag naman sana.

Papasok na sana ako ng gate ng my napansin akong isang sasakyan na parang naghahanap ng parking area. Lahat kasi ng parking area dito ay my pag-aari na at full parking na kaya saan siya hahanap ng parking area?

Naisip ko yung isang bakanteng parking area dun sa private area naming magbabarkada, since nasa hospital pa si Chesca siya na muna ang pupwesto dun kaya pinara ko ang sasakyan ng makita ko siyang papalapit sa gate.

Huminto naman siya kaya lumapit ako sa window, binuksan naman niya iyon at laking gulat ko nalang na kamukha ni Erza yung babaeng nerd?

"Andy." Tawag niya sa pangalan ko. Shit, kilala niya ako? Kaboses pa ni Erza. W-wait don't tell me..

"Erza?"

"Hmm?"

"Erza, ikaw nga." Binuksan ko ang pinto ng kanyang sasakyan at good thing dahil di pala nakalock, kaagad akong umupo sa driver seat. Nagulat pa siya pero di ko yun pinansin dahil gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kanya na miss na miss ko na siya.


Ganon nga ang ginawa ko niyakap ko siya ng mahigpit, ewan ko ba kung paano ko yun nagawa basta ang alam ko lang nakayakap na ako sa kanya ngayon.

"A-a-andy hi-hindi a-ako maka ackk... *cough*". Kaagad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. *cough* *cough*

"S-sorry hehe." Sabi ko sa kanya habang nakahawak saking batok.

'Andy, nakakahiya ka. Shit lang.'

"A-ayos lang. Ahmm saan ba pwedeng magpark dito? Kanina pa kasi ako nagpaikot-ikot dito, wala akong makitang bakante e. " Aniya at nagpalinga-linga sa labas.

You're Mine And I'm Yours (Book2 of MMITDOB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon