Chapter 31.

165 10 1
                                    

Someone's POV*

"Nagawa mo ba yung pinapagawa ko sayo?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Babe naman masyado namang mahirap pinapagawa mo e. Maraming mga body guards ang nakabantay sa kanila." Sagot niya kaya medyo nainis ako.

"Kahit kelan ka talaga di ka mapapakinabangan." Inis kung saad sa kanya. Agad naman niya akong niyakap kaya tinulak ko siya. "Simple lang ang pinagawa ko pero di mo pa magawa? That's bullshit."

"Babe, kung ikaw nalang kaya ang gumawa e nuh? Total kilala mo naman sila lalo na siya kaya ikaw nalang." Dahil sa inis ko kaagad ko siyang binatokan. "Aray. Ang brutal mo sakin huhu." Napairap naman ako sa kanya.

"Tsee. Umalis ka nga sa harap ko." Inis kung aniya. Nagpout muna siya sa harap ko bago umalis at nagtungo sa kanyang room.

Papasok narin sana ako ng my nakita akong isang lalaki na sumusunod sa babaeng kinamumuhian ko. 

'Sige lang sundan mo pa siya hanggat gusto mo dahil sa oras na mapansin moko sisiguraduhin ko sayo na nasa akin na ang atensyon mo at hindi na sa kanya. Matagal na akong nagtitimpi sayo pero oras na para kumilos ako dahil hindi ko na kaya ang sakit ng aking nararamdam 'pag nakita kung my kasama kang ibang mga babae.'

Di ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahiran ko muna ang aking mga luha at tinignan silang dalawa na magkasama bago pumasok sa loob ng aking classroom.

Chescalyn's POV*

Hi.

d^_^b

Di na ako magpakilala pa sainyo dahil alam kung pinakilala na ako ng sweetie ko sainyo, hihi.

Nandito na pala ako sa loob ng aking classroom at inisip kung sino yung sasakyan na nakapark sa pwesto ko at kung paano siya nakapasok sa private parking nila James.

'Tss. Kainis naman sino kabang babae ka ah? Ang kapal naman ng mukha mung agawin ang pwesto ko. Alam kung malandi kang babae ka dahil kung hindi ka malandi hindi ka makakapasok sa private park nila James. Nilandi mo lang yung isa sa kanila kaya ka nakapasok pero kung sino ka man humanda ka sakin dahil papahirapan kita sa loob ng school natu.' Inis kung sabi saking sarili.

"Ches?" Napatingin ako sa kaibigan ko. "Nagkita naba kayo?"

"Nino?" Takang tanong ko sa kanya. Inirapan naman niya ako at umupo sa bakanteng upoan na nasa gilid ko.

"Sus patay malisya kapa, don't me."

"Sino nga ang tinutukoy mo." Inis kung saad sa kanya. Gaga neto magtatanong ba ako kung alam ko.

"Sino pa nga ba edi yung ex mo, daahh." Biglang tumayo ang lahat ng aking mga balahibo at naramdaman ko naman ang sakit sa aking puso.


'Ikaw ang dahilan kung bakit bumalik ang hika ko. Nakita ko siya nung nakaraang araw sa Pav. Mall kasama ang kapatid niya at yung babaeng ipinalit niya sakin.'



"G-ganon ba? Hehe." Mapaklang tawa ko sa kanya at tumalikod para punasan ang luha kung biglang bumagsak.


"Mahal mo pa?" Tanong niya pero di ko pinansin. Bigla akong my naramdaman na my yumakap sakin. "Ilabas mo lang yang sakit ng loob mo." Dun na ako umiyak ng tuloyan sa sinabi niya at niyakap ko rin pabalik ng mahigpit. Wala akong pakialam kung my makakita sakin dito habang umiiyak basta ang mahalaga mailabas ko ang sakit ng aking nararamdaman para sa kanya.



You're Mine And I'm Yours (Book2 of MMITDOB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon