Prologue:

5 0 0
                                    

  PROLOGUE:

MASAYANG NAGLALAKAD ang isang dalaga sa loob ng sikat na MS city mall sa Norte Saed.

Kaninang umaga lang ng makatanggap sya ng isang inbitasyon mula sa isang gaming site.

Porgmm.

Ayon sa gaming site.

From: porgmm@no-reply.com
Subject: congratulations
Body of text:
Good day, Lady Violet McKenzie Goddess Warrior of Earth we want to congratulate you for winning the title of 'Goddess Warrior of Earth', so we are inviting you to try our new customized game. S.E.X or Science Enigmatic eXperience Virtual Game. Please get your copy at MS city @ norte saed. We are having a cosplay too. Please enjoy the party!'

Masaya syang pumasok sa domesky ng mall saka napalaki ang mga matang ginala nya ang paligid.

Kita nya ang naggagandahan at naggagwapuhang mga cosplayer.

Nakangiti nyang inayos ang salamin nya saka inayos ang bangs.

INIABOT ng isang organizer ang isang bag sa kanya ng marating nya ang nasa front desk.

"salamat" wika nya saka nahihiyang umalis sa pila.

Malaki ang ngiti nya sa kanyang mukha ng nang silipin ang laman ng kanyang bag.

May parisukat na box sa loob.

'S.E.X'

Ang tatak.

"hoy!" napalingon sya sa tumawag "bakit hindi ka naka-cosplay?"

"a-aah.. Re-required b-ba?"

"hindi naman" ayon sa ayos nito ay para itong si lelouch ng code geass.

"okay" saka sya nagpatuloy sa paglalakad "ang ganda..." bulong nya ito ang buhay na meron sya, masaya at kontento.

"hoy!" muli syang humarap sa lalaki kanina "may skin ka na ba?"

Kumunot ang noo nya "skin? May nabibili na ba?"

Tumango ang lalaki "oo, doon sa booth ng mga skins and bitcoins" sabay turo

"bitcoins?"

"oo, kailangan daw ng bitcoins-teka, late ka na no?"

"di ba ikaw si Callister Barmadeo?" mayabang na tumango yung lalaki "ang cosplay king?"

"oo! Mabuti't kilala mo na ako!"

"ah.. Okay" wika nya saka naglakad patungo sa booth "e-excuse me-e po..." pagtawag nya sa atensyon ng mga nasa loob "pa-paano p-po ku-kumuha n-ng b-bitcoins-s.."

"ah... Ganito, miss. Pumunta ka muna sa arcades, saka maglaro ng mga games. 1 ticket is equivalent of 1bitcoin. Minimum is 100. Basta kailangan, mas marami doon ang makuha mo okay?" tumango sya.

"eh yung-yung skins po?"

"may skins tayo dito, meron din special power, or weapon. May tig 20, 30, 50, 60, 80, 90, 100 na skins ang pinaka mahal ay 1000, tapos may tig 50, 100, 150, 200, 250, 300 na weapon ang pinakamahal ay 10,000. Tapos may tig 100-20,000 na power. Pero! Di mo pwedeng gamitin yun kung hindi pa kaya ng katawan mo. Kada level kasi ay nagmamature ang skill needs mo. Kaya don mo lang din pwedeng gamitin"

Tumatango tango sya "eh yung skills po?"

"kasama na sya sa power card"

"ah salamat po" nagulat pa sya nang makita ang lalaki sa tabi nya "s-sige a-ate"

"sige! Dapat! Damihan mo ang ticket mo!"

"o-opo, sa-salamat..."

Naglakad na sya palayo.

S.E.E. (Science Enigmatic Experience) [1st Arc]Where stories live. Discover now