*BOOOOOGSH*
Ariella's POV
NAPALINGON kaming lahat sa natumbang mga tore.
"HINDI KAYO MAKAKADAAN!!!" sigaw ni steve saka muling sumugod.
May mga napatumba na kami pero dapat na'tong matapos.
Muli akong humarap sa aking harapan saka pinagbabaril ang mga sumusugod.
Ganun din ang ginagawa ni keith na isang sniper.
Nanatili ito sa malapit sa bilog at dun ay bumabaril.
Eksperto kong pinaikot ang mga baril sa palad ko saka binangga ito sa chamber na nasa belt ko matapos marelease ang mga chamber para mapasok ang mga bago.
Sunod sunod na putok ng baril ang ginawa ko sa mga kaharap ko.
Ilang taon ko bang sinanay ang sarili ko sa ganito? Mahigit sampung taon.
Kaya sisiw na'to sa akin. Spell sisiw.
Matapos ang ilang pang pagbaril ay sa wakas natapos na ang laban.
Sugat at galos lamang ang natamo namin salamat sa hudyong ito.
"salamat naman" wika ni addy saka naupo
"GUYS!" napatingin kami kay redcliff "TULONG!!!"
Napatakbo kami ng patungo sa kanya.
"the fvck!" bulalas namin ng makita ang ayos nya.
Nakadagan ang mga kahoy ng tore sa kanya.
"si red" wika nya ng makita kami "si red, tignan nyo si red"
Nagmadali naman akong tumakbo patungo kay-- err... Sino 'to?
May lalaking nakapatong kay red kaya hindi sya totally nasaktan ng pagsabog.
"tulong dito!" sigaw ko.
Nakita ko naman ang pilit na pagtayo ni redcliff matapos nila mailabas mula sa pinag iipitan nito.
"red!" nagmamadali siya pati ang iba pero gaya ko ay natigilan din sila "h-hoy!" sigaw nya saka pilit na tinatanggal ang mga kahoy "tulungan nyo 'ko!!" sigaw nya, agad naman namin syang tinulungan.
Marahas nyang itinulak ang lalaki saka itinihaya ang kapatid "red?" marahan nyang tinatapik ang pisngi nito "red?"
"ugh..."
"red!" masayang sabi nya "may masakit ba sayo?"
"ulo ko lang po, pero okay lang ako"
"mabuti naman" agad nyang niyakap ang kapatid, napansin ko naman ang pagtalim ng tingin nito sa lalaking nasa paanan ko, napansin ata nya ang pag galaw "ikaw? Ayos ka lang ba?" malamig na tanung nito.
"o-oo" sagot nung lalaki
"a-andrei- andrius pala" yung gulat na tono ni violet ay napalitan ng malamig, bakit kaya.
"violet..."
Humiwalay si redcliff sa kapatid, "salamat sa pagligtas sa kanya pero-" nabato kami ng makita ang pagtumba nung tinawag ni violet na andrius at napatingin ako sa matalim na tingin ni redcliff "wag na wag kang yayakap sa kapatid ko ng ganun!"
"kuya tama na"
Hinatak ni redcliff ang kapatid saka patagilid na niyakap.
"salamat sa pagligtas andrius" wika ni violet, bago hinatak ang kuya nya palayo.
Medyo malayo na kami ng maisipan ko syang lingunin, bakas ang lungkot at sakit sa mga mata nya maski ang mukha nya.
"mukhang... Tinamaan yun sa kapatid ni chief noh?" tanung ni pete

YOU ARE READING
S.E.E. (Science Enigmatic Experience) [1st Arc]
Science FictionNew world for misfits. *I'll be posting drafts after drafts*