Redcliff's POV
MULA DITO kinatataguan ko ay kitang kita ko ang pagdati ng mga malalaking tao na nakasakay sa mga hayop gaya ng baboy ramo, hippoputamus, rhinosaurus, tiger, lion at marami pa.
"seryoso?" natatawang wika ng kapatid ko "guys welcome to clash of clans" saka hinanda ang sandata para sa paglusob.
Kung naging mabilis sya kaninang naka demon form sya mas bumilis sya ngayong mas manipis ang suot nya.
Ganun narin ang ginawa namin at nakipagbarilan, habang yung dalawa ay gamit ang kapangyarihan sa paglusob.
Muli kong tinuon ang atensyon ko sa kapatid ko.
Gamit ang hawak nyang katana nagawa nyang sugatan ang lalaking kaharap nya.
Mabilis ang bawat kilos nya at sadyang napakagaling ng bawat galawan nya.
Kitang kita ko ang pagbagsak ng mga kalaban namin sa bawat pagwasiwas nya ng katana at pag ikot may bumabagsak. Posible bang magawa yun ng isang tao?
Hindi ko gustong kwestyunin ang kapatid ko pero sa pinapakita nya ay parang hindi iyon kayang gawain ng isang tao.
Sapagkat hindi kayang gawin yun ng isang tao.
Ilang sandali lang iba na ulit ang anyo nya at bumalik sya sa demonic skin nya.
Mas naging marahas ang pakikipaglaban nya, at mas naging mabilis sya.
Unti nalang.
Tumayo na ako para pagbabarilin sila, pati sila ariella at keith ay bumaba na at sabay kaming umabante.
Nasa likod na kami nila steve at lorelee, pero ito at nanunuod padin kami sa magaling nyang pakikipaglaban.
--
Nang matapos sya sa pakikipaglaban ay nanatili lang sya sa harap namin, nang nakatayo.
"red..." pagtawag ko pero sumenyas syang 'wag' "bakit?" tanung ko
"magtago kayo" nagkatinginan kaming lima
"hindi ka namin iiwan"
"pwes gawin nyo" nanlilisik ang mga mata nya ng lumingon sa amin, at nawala ang hawak nyang espada pero napalitan ng apoy sa magkabila nyang kamay.
"halika na redcliff" pag aya sa akin nila steve at keith
"pero-"
"kuya ano ba?! Magtago-" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung paano syang tirahin ng malaking palakol, ng sobrang lakas na naging dahilan ng pagtilapon nya at paghampas nya sa puno.
"REDCLIFF HALIKA NA?!" pakiusap ni ariella, nanatili akong naninigas at di makapaniwalang nakatingin sa pwesto kanina ng kapatid ko hanggang sa hilahin na ako ng apat palayo.
Kitang kita ko ang paglabas ng malaking halimaw.
"minotaur" sabi ni lorelee
"si red..." pagkunwa'y bumalik ako sa kasalukuyan "ANG KAPATID KO!!!! KEITH ANG KAPATID KO!!!! REEEEEED!!!!!"
Ariella's POV
PATULOY lang kami sa pagtakbo.
Hanggang sa makasalubong namin ang pulotong ng mga new players.
"may problema?" tanung nung lalaking blue ang buhok, aka'y nito ngayon ang andrius na walang malay.
"may mino-" natigilan kami ng napakalakas na pagsabog.
"si red! Buhay ang kapatid ko!!"
"kung lalaban nyo-"
"hindi" sagot nito "gaya nyo'y gusto lang din namin makauwi"

YOU ARE READING
S.E.E. (Science Enigmatic Experience) [1st Arc]
Science FictionNew world for misfits. *I'll be posting drafts after drafts*