NARAMDAMAN KO NALANG ANG pagbalot ng galit sa akin.
"naalala mo yung sinabi mo, kung hindi ko sila papatayin, ako ang papatayin nila. Patawad" saka ko kinuha ang isang patalim at sinalubong ang pagatake nang kasamahan nila.
Hinablot ko ang kamay nyang may hawak na patalim saka pinadausdos ko ang patalim ko sa leeg niya dahilan para bumulwak ang dugo.
Ibinato ko ang hawak ko sa isang susugod sana sabay tarak sa noo nya.
Gamit ang braso nitong hawak ko saka binalibag ko sya sa sahig.
Masama kong tinignan ang mga nakapalibot.
Kinuha ko ang baril ko saka binaril sila isa-isa, sa bilis nang bawat galaw ko'y ni hindi nila napansin ang balang paparating.
"ngayon?" tumayo ako ng maayos saka hinarap sya "tama ka, mahina nga ako"
Kinuha ko ang bag ko saka muli syang pinantayan "salamat sa pagturo sa akin"
Bago umalis patungo sa Armin.
--
MASAYANG musika ang bumati sa akin ng makatungtong ako sa panibagong syudad."maligayang pagdating" wika ng ilan, tumango ako saka kiming ngumiti
Nagpatuloy ako sa paglalakad kapwa bagsak ang aking mga balikat.
Wala sa sariling nagtungo ako sa kapehan.
'Red's Cafe'
"good morning" masayang bati ng isang babae "may i have your order madam?"
"black coffee with toasted bread"
"5 bitcoins, madam"
"ariella?" nilingon nya yung lalaki "nailagay mo na ba ang black beans sa kusina?"
"yes, redcliff"
"okay-" natigilan sya saka kunot noong tumingin sa akin "hi, new player ka ba?"
Tumango ako
"ah," tumango sya "ilang taon ka na?"
"16..."
"16?" naupo sya saka humarap sya sa akin "anung taon na pala sa rw?"
"2018"
Nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
"2018... Parang 2009 lang ng mapasok kami dito, tapos-hahahaha." humarap sya sa kasama "ang dami nating namiss sa rw, siguro dalaga na yung kapatid ko"
"kapatid?" tumango sya "may kapatid ka?"
"oo. 7 years old sya nun." wika nya
"7 years?" tumango sya "anung pangalan nya?"
"Rich Erin Dhei"
"red?"
Tumango sya ng nakangiti "pinangalan ko ang cafe na'to sa kanya para maalala ko sya lagi"
"cyan"
Kunot noo nya akong tinignan "paano mo nalaman?"
"ako si red"
Tinitigan nya ako saka ako hinatak patayo at pumasok sa isang silid.
"anung ginagawa mo dito?!" asik nya
"binigyan nila ako ng game console! Kuya, uwi na tayo!"
"hindi! Ikaw! Dapat wala ka dito!"
"pero-"
"delikado dito! Red!"
"alam ko! Pero andito na ako! Kuya! Uwi na tayo"
Umiwas sya ng tingin "di na ako kailangan nila mommy"
YOU ARE READING
S.E.E. (Science Enigmatic Experience) [1st Arc]
Science FictionNew world for misfits. *I'll be posting drafts after drafts*