S.E.E. Chapter 2

2 0 0
                                    

  Violet's POV

GAMIT ANG aking dalawang baril ay dahan dahan kong tinungo ang malawak na parang.

Mas malawak ito kesa sa nauna.

Pinindot ko ang shield ko -- lumaki ito dahilan para mapatakbo ako ng mabilis habang sinasalag ang bala.

"shit!" daing ko ng maramdaman ang paglusot ng bala sa kanang hita ko.

Pinindot ko ng dalawang beses ang bilog dahilan para lumabas ang mga blades nito. Saka ko ito ibinato sa pinanggalingan ng bala.

Saka pinagbabaril ang nasa kabilang bahagi.

Nang bumalik ang shield ay muli ko itong ibinato sa kabilang bahagi.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang tumungo pinanggalingan kanina ng shield ko.

Kailangan kong kumuha ng mga cards!

Kailangan kong sumeryoso.

Mabilis ang pagtakbo ko habang tumatakbo palapit sa aking harapan.

Tumalon ako't padaosdos na tinungo ang mga bags, agad kong kinuha ang mga armas katulad ng pana at espada at mga baril.

Kinuha ko din ang mga cards.

Asan ang mga katawan? Nagtatakang tanung ko sa aking sarili, pero napangisi ako ng maka ramdam ng pinapaligiran ako.

Agad kong sinalo ang shield ko saka pinaliit ito.

Ibinulsa ko ang mga cards.

"alam mo naman sigurong dapat patay na muna ang tao bago mo nakawan?" sabi ng isang babae

Humarap ako sa kanila "tama naman di ba? Patay na kayo?"

Ngumiti sya pero agad ko syang binaril.

"ay sensya na" galit na napatingin sa akin ang mga kasamahan nya.

Ilang putok at pagkasa lang ang ginawa ko tapos ang laban.

Saka lang nag-sink in sa akin ang katotohanang, nakapatay ako.

Nanlulumo kong kinuha ang mga cards, pati mga kakailanganin kong gamit nila. 

  "AAAAARGH!!!" sigaw ko saka napaluhod sa pwesto ko "patawarin nyo ko... Patawarin nyo ko..."

Pinanuod ko kung paano dahan dahang nilamon ng liwanag ang mga katawan nila.

"p-patawad..." umiiyak kong wika

Kinuha ko ang mga bag nila sa pinagsamasama sa isang hukay.

Kumuha ako ng mga kahoy para makagawa ng cross "patawarin nyo ako, Dyos ko, patawarin nyo po ako..."

Nakarinig ako ng kalansing sa aking likuran "susunod ka sa kanila kung iiyak ka lang dyan"

Umiling ako "pinatay ko-ko sila..."

"pero kung hindi mo ginawa yun ikaw ang papatayin nila" napalingon ako

"ikaw?"

Ngumiti sya "ikaw din?"

"di mo ba ako papatayin?"

Ngumisi sya "di ako pumapatay ng mga taong, pinagluluksa ang pagkamatay ng iba"

"pero kasalanan ko-"

"it's not your fault." giit nya "halika na, maraming paparating." tinulungan nya akong tumayo 

--

Tama nga ang hinala ko mahaba ang gubat na ito.

"nakakagutom" usal nya habang nakasapo sa kanyang tyan.

S.E.E. (Science Enigmatic Experience) [1st Arc]Where stories live. Discover now