Mag isa lang ako dahil umalis si mama,pumunta siya sa super market para mag groceries naubusan na kasi kami ng stocks sa bahay.
Kaya nagbasa muna ako ng libro, para malibang naman ako
Ilang oras ang lumipas ay tila para bang may tunog na kinakaladkad akong naririnig kaya naglagay ako ng earphones sa aking tenga.Nang pinlay ko ito ay may kung ano akong narinig
'Tulungan mo ako Ally'
Parang boses babae na humihingi ng tulong sa akin.Ano ang kailangan niya sa akin??kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto at nagtaklob ng kumot sa sobrang takot,halos ang balahibo ko ay tumayo sa sobrang takot.
Palagi nalang nangyayari sa akin to' pero ngayon lang ako natakot ng sobra sobra.Mahirap din ang buhay ko dahil palagi nalang nababalot ng kababalaghan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang takot at mabuti nalang ay nandyan na si mama pagbangon ko.Inaayos niya ang mga pinamili niya kay tumulong na ako
'Tulungan na po kita ma'
'O sige,ito ilagay mo doon'
'Opo'
agad naman natapos ang pagaayos namin dahil katulong niya ako.Pero pagkatapos noon ay nagluto na si mama kaya bumalik ako sa kwarto para magbasa at umupo,halos kalahating oras ako nagbasa at mabuti nalang ay wala akong narinig na kung ano.
Nang matapos si mama sa pagluluto ay tinawag niya na ako para makakain kami,mabilis lang akong kumain dahil gutom na gutom na ako.Naghugas narin akong plato para hindi mapagod si mama.
Bumalik na din ako sa kwarto,pagdating ko sa harap ng kama ay wala ang aking libro,kanina dito ko lang naman nilagay iyon.Kahit saan ko hanapin ay hindi ko nahanap pero hindi ko pa natitignan sa ilalim ng kama.
Dahan dahan akong bumaba para tignan kung nasa ilalim ba ng kama,agad naman akong nakakita ng babae na panay dugo ang mukha sa ilalim ng kama kaya agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ni maam dahil sa sobrang takot.
'Akala ko ba ay matutulog ka na anak?"
'Mama nakakita po ako ng multo'
'Nako anak baka imahinasyon mo lang yan'
'Hindi po ma'nasa ilalim po ng kama ko'
'Sige na bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na'
'Opo'
Pumunta na rin ako sa kwarto ko at hindi ko na hinanap ang libro ko dahil mamaya makakita na naman ako.Tinaklob ko sa buong katawan ko ang unan para wala akong makita na kahit ano pero nakakahinga pa naman ako
BINABASA MO ANG
HUNTED
HorrorKahit saan siya magpunta ay palagi siyang may naririnig na kung ano ano.Kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya tinatantanan.Samahan natin si Ally upang matuklasan kung anong kababalaghan ang nangyayari sa kanyang buhay.