habang nagsusuot ako ng palda ay nakakita ako ng kamay at mabilis itong humawak sa aking paa..
mabuti nalang at mabilis kong nasuot ang palda ko...pilit kong ginalaw ang aking paa ngunit hindi pa rin ako binibitawan...ginamit ko ang dalawa kong kamay...
ngunit bago pa iyon magtungo sa aking paa ay biglang naglaho ang kamay sa aking paa
kaya dali dali kong binuksan ang pinto at lumabas sa restroom..baka kasi mamaya may makakita at magsabi ng kung ano ano
na isa daw akong baliw..praning at iba pa..
nasanay na naman ako sa mga sinasabi nila kaya di na bago sakin..
dahan dahan akong naglakad ngunit mabilis pa rin ang tibok ng puso ko pero mabuti nalang nawala rin agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko
agad ko namang nakita si mama
"anak,bat ang tagal mo?"
tanong sakin ni mama
"ahhh,a-ano po kasi..uhmm masikip po kasi yung palda ko kaya m-medyo nahirapan po akong isuot"
pagdadahilan ko
"ahhh,ganon ba"
"ahh ma tara na po baka mamaya gabihin pa po tayo..marami pa po tayong bibilhin"
pagyayaya at pagpapaalala ko kay mama
"o siya,halika na"
umalis rin naman kami kaagad dahil marami pa kaming bibilhin.....hayss sobrang nakakapagod ang araw na ito para sa akin kahit ba nakagraduate na ako sa high school hindi ko pa ata makakalimutan ang nangyari kanina
BINABASA MO ANG
HUNTED
HorrorKahit saan siya magpunta ay palagi siyang may naririnig na kung ano ano.Kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya tinatantanan.Samahan natin si Ally upang matuklasan kung anong kababalaghan ang nangyayari sa kanyang buhay.