pagkarating ko sa bahay ay agad akong nakita ni mama. "O anak,nandiyan ka na pala umupo ka na rito at maghahain na ako" pagaaya sa akin ni mama
"sige po" iyon lang ang naisagot ko at pumunta sa pwesto ng madalas kong inu-upuan.Natapos ng ihanda ni mama ang mga pagkain sa lamesa ng biglang magsalita siya.
"ay teka lang anak,mabuti't naalala ko wala na nga pala tayong softdrinks sa ref. Antayin mo ako bibili lang ako saglit sa labas para masarap ang kain natin" pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa ulo at nagtungo palabas ng bahay
Maya maya'y nakarinig ako ng sigawan sa labas,dahil sa kuryosidad ko ay lumabas ako at kita ko kung gaano nagkukumpulan ang tao na tila ba may isang taong tinitignan sa gitna.
Unti-unti akong naglakad papalapit roon at sumingit upang makita kung sino iyon,nang makita ko yon ay tila parang tumigil ang mundo ko.
Pabagal ng pabagal ang oras,ni hindi ko alam ang gagawin ko o kung ano ba ang mararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/137619891-288-k811172.jpg)
BINABASA MO ANG
HUNTED
HorrorKahit saan siya magpunta ay palagi siyang may naririnig na kung ano ano.Kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya tinatantanan.Samahan natin si Ally upang matuklasan kung anong kababalaghan ang nangyayari sa kanyang buhay.