Stalk five

638 16 16
                                    

tinatamad ang author na I-bold. next time nalang hihih

******

Umbrella POV

Bigla akong napabangon. Shiz! Panaginip lang pala. Sa panaginip ko kasi nakaaway ko si Dose sa coffee shop, well makita ko palang ang mukha nya sa panaginip ko parang binabangungot na ako! Pero sa panaginip ko nakalandian ko si Fretz, meged! Pwedi na akong maihi sa short sa kilig.

"Buti naman at gising ka na." teka may lalaki ba sa bahay ko? Lumingon ako sa gilid at ohlala-devil! leaning at my door frame.

"Dose?." I mumbled.

"Okey ka na ba? Wala bang masakit sayo o anything?" lumapit sya sakin.

Bakit ba ang engot ko? Nakahiga ako sa sofa at nababalutan ng cozy ambiance ang buong sala. one thing is for sure, hindi ko ito apartment! Bigla kong tinakpan ang dibdib ko at tumingin kay Dose na ngayun ay nakaupo sa tabi ko. He gaved me a confused look.

"Ni rape mo ba ako?! Virgin pa ba ako?! Shocks! Bakit ako nandito sa bahay mo! Oh my virgin baby! You--"

"hey hey, ano tingin mo sakin rapist?"

"Oo na hindi, ewan ko! Eh ano bang dahilan kung bakit mo ako pinunta dito sa bahay mo?! At ano sa tingin mo ang gagawin ng lalaki sa babae pagpinunta nya yun sa bahay?! Di ba mag-a-ano! Yun na yun! Rapist ka!" bumangon ako bigla at dahil sa ginawa ko sumakit ang tuhod ko. Teka masakit tuhod ko? Nakabandage pala ang tuhod ko sa right, umabot yun hanggang sa mid thigh ko.

"Alam mo hindi ko alam kung ano ang iisipin sayo. Hindi ka naman naka drugs, epekto siguro yan ng pag inom mo ng kape o pagkahulog mo sa bike kanina. And for your information, wala sa vocabulary ko ang mang rape. To tell you honestly,  babae pa mismo ang willing mag pa-rape sakin. Instead of thanking me for helping you, you're already accusing me in something I didn't do." tumayo sya at naglakad paalis sa sala.

Natameme ako. Muli akong napatingin sa binti ko. Ang naalala ko lang kanina ay ng......teka. Ibig sabihin yung AKALA ko kanina na panaginip ay totoo! Yung nag away kami ni Dose sa shop to the point na umalis ako at nag bike pauwi but it turn out I'm damn idiot for not looking to the left to right when I'm crossing the high way! And wadapak! Naaksidente ako.

Ibig sabihin si Dose ang nakasagasa sakin o sya ang tumulong sakin?

Pero ang point dito ay ng pagbintanggan ko sya sa  bagay na hindi nya ginawa.

Shiz! Umbrella, bakit ba pang ra-rape ang unang pumasok sa utak mo ng makita mo si Dose!

Parang nag flash back sa utak ko ang nangyari sa coffee shop. Sinabihan nya ako ng malandi! I think he deserve that to! Kung sa tingin nya prostitute ako then let him be a rapist!

Sinubukan kung umupo sa sofa pero naramdam ko agad ang sakit ng paa ko. Lentik naman oh, paano ako makakapag trabaho nito kung masakit ang paa ko. Hindi lang 'yun, mukhang kelangan kung gumamit ng tungkod para makapag lakad. Hindi ko na sinubukan pang umupo, kaya ito nakontento nalang ako na naka higa sa sofa.

Bakit kaya hindi pa bumabalik si Dose. Nasaktan ko ba ang ego nya ng tawagin ko syang rapist? Well at least alam nya ang feeling ng ininsulto or na-offend. Pero hindi ko maintindihan si Dose. I mean parang lagi syang galit sa mundo, na hindi nya alam ngumiti. There is something about him that make him that cold.

"Gutom ka ba?" nagulat ako ng magsalita si Dose. Ngayun ko lang napansin, ang gwapo pala nya. No! Si Fretz lang dapat ang gwapo sa paningin ko! Nagtataksil na naman ako sa Fretz ko!

"Papakainin mo ba ako?"

"Oo, bakit ayaw mo?"

"Sige, siguraduhin mong walang lason yang ipapakain mo sakin ahh. Alam ko namang may galit ka sakin at baka lagyan mo ng lason ang pagkain ko."

Stalk Me Baby (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon