Stalker one

1K 30 12
                                    

 PLS leave comments and vote.

-Suzi

-------------------------------------------------------------------

*Oras na! Oras na!*

Napapitlag  ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang pag-alarm ng CP ko. Tamang tama 7am na! oras na nga!

Nagmamadaling tumayo ako at kinuha ang binocular ko sa lamesa. Nagmamadali akong pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina.

Ohlala, spotted the hot guy. Ginamit ko ang binocular para lalong Makita ang target ko.

Thks God mahilig ako sa kalabasa at napakalinaw ng aking mata dahil kitang kita ko ang umagahan ko ngayun. Fretz Gogomen, my oh kabalunbalunan.

 Nakatayo si Fretz sa kanyang balcony kung saan sya nag e-exercise, 7am exact time. Routine nya iyon tuwing umaga. Ang mag exercise sa balcony ng bahay nya. Mabuti nalang at mula dito sa coffee shop kung saan ako nagtra-trabaho kitang-kita ko sya.

"Oh may eha-ven, aalisin nya na...ohmey..aalisin nya na ang shirt nya." napakagat labi ako ng alisin ni Fretz ang damit nya. ohlala heaven talaga. Mula dito sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang nag-aalab nyang abs. Para iyong  gold na kumikinang at naghihikayat saking titigan. "Kahit di na ako kumain ng umagahan kung abs mo palang Fretz busog na ako." Ewan ko bakit ko kinakausap sarili ko.

Umayos ako ng tayo dahil nag jogging si Fretz sa treadmill nya. "SHemey.. ... ...asan na you my camera." Nagmamadaling kinuha ko ang aking Nikon D3000 dslr camera. "Bakit ba ang layo mo may Fretz?? Teka i-zoom lang kita.....ayan kita na kita.......yummy abs talaga." Finocus ko sa katawan ni Fretz ang camera bago ko pinicturan. Syempre dapat kasama yung mukha then katawan. Ayan photoshoot na naman nya.

Kumuha pa ako ng ilang Angulo kung saan 'mukha syang hot babe na nag-wo-workout ng abs. damn that gorgeous man! Nakakalaglag eyeballs. Hindi lang sya nakaka drool kundi nakakapag wild ng puso. "Bakit ba ang gwapo mo fretz?" napahagikhik ako.  Ang swerte ko at nakikita ko ang magandang tanawin ng katawan nya.

Matapos mag jogging ni Fretz, nag-push up naman ito. "Nemen Fretz, di ka pa ba tapos pabusugin ang mata ko?" natawa ako. Kahit kelan ang laswa ko. Muli ko syang kinunan. Pero mas pinili kong panuorin sya, kita mo yung malalaking muscle nya sa braso. Damn it's so yummy! Feeling ko kapag kinurot ko ang braso nya sobrang tigas nun. "Sige lang Fretz, mag push up's ka lang. maganda ng handa ang mga tuhod mo dahil papagurin kita mamayang  gabi."

"Excuse me miss." I heard a masculine  voice at my back. Pero wala akong balak ma-appreciate ang boses nya kung nasa di kalayuan lang naman ang fafa ko. Di ko pinansin ang tao. Busy ako dito. Busy sa pagtanaw ng aking umagahan.

"Miss, ikaw ba ang waiter dito? mag-o-order ako." Muli kung narinig.

"Wait lang." naiinis na sabi ko. Di ba nya alam na busy ako dito! mas bumilis ang pag pu-push up ni Fretz at kitang kita ko ang pag laki ng muscle nya. sheyt ang sarap lang hawakan. Pawisan na ang Fretz 'my baby. "Shemay. Pupunasan ko ang pawis mo babe, pupunasan ko pababa." Bulong ko.

"Miss. Wala ka bang balak kunin ang order ko?" naiinis na sabi ng costumer.

Aish. Hindi pa ako tapos dito sa breakfast ko! Wish ko lang lumalayas  ang  gumagambala sa lungga ko. "Wait nga lang." naiinis kung sagot. Hindi ko pa ito binabalingan dahil gumagawa ng show ang Fretz ko. Pagkatapos nyang mag push-up kumuha naman sya ng barbell at nag-barbel, talagang binubusog ako ni Fretz sa ginagawa nya ahh.

Napapitlag ako ng may marinig akong kalabog. Bigla akong napabaling sa counter kung saan nakatayo yung--------------Greek god? Huh? Greek god na nakatingin sakin ng masama at parang makakapatay  ito anumang oras. So ito palang lalaking  gumagambala ng aking pagsusulok sulok.

Stalk Me Baby (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon