Stalk Me Baby

2.1K 47 11
                                    

---------------------------------------Prologue------------------------------------

‘Burn Cookie Exclusive Club’ ito ang exclusive na subdivision ngayun sa Pilipinas. At pag sinabi kung EXCLUSIVE as in EXCLUSIBONG, EXCLUSIBONG balita. Chos. Actually napadpad lang naman ako sa subdibisyung  ito dahil stalker ako ni Fretz Gogomen. Isang sikat na model! At syempre ang part time job ko na kumuha ng litrato nya ‘patago’ at ipagbili iyon sa mga fan’s nito sa internet. Hindi lang iyon ang trabaho ko, nagtitinda din ako ng ‘Authograph’ nya at mga stolen pictures nya. At wala syang kaalam-alam sa ginagawa kung ‘Photoshoot’ nya ng di nya nalalaman. Teka, nakalimutan ko ring sabihin na jowa ko si Fretz. I mean ilusyunadang jowa ‘kuno. Ako lang naman kasi ang dakilang negative 1 fan nya.

Ang hiling ko lang naman kay bathala at langit at araw at lupa at bituin at hayop at mukhang hayop at parang hayop at tao na sana ay mapansin man lang ako ni Fretz. ‘Aba mahal magpa-rebound ng buhok gumastos ako ng P999.9  sa pagpapa straight ng ‘walis tingting kong buhok. Mahapdi rin mag-hilod ng kalamansi sa buong katawan para pumuti ‘noh. At mahirap mag aral ng English dahil di lang dinudugo ilong ko pati utak ko dinudugo na,  At higit sa lahat mahirap mag sit-up para mawala ang 4 layer’s kung bibil. At ginawa ko ito para kay Fretz may kabalunbalunan.

At sa kamalas-malasang   ganda kung ito hindi man lang nya ako pansin. Kahit siguro mag tambling ako sa harap ng bahay nya o di kaya mag split di pa rin nya ako pinapansin!

Wish ko lang after 123 seconds makilala man lang nya ako. Kahit ‘sa isang sulyap mo’ naku naman ‘lord patawad’ dahil sa kagagahan ko. ‘Let me be the one’ kasi Fretz para di tayo ma ’back to December’ I will give you a ‘Love story’  ‘just give me a reason’ at pati ‘like a virgin’ ko ibibigay ko sayo.

May pahabol pa pala akong sasabihin. Kasi imbes na si Fretz ang pumansin sakin, ipina-pulis ako ni Dose Onse, lalaki po sya. Isang bwesit na doctor na syang sumira ng pangarap ko. Hindi lang iyon dahil may balak pa syang paalisin ako dito sa ‘Burn Cookie Exclusive Club!! Ohmeged. Hindi ako papayag na ilayo nya ako sa Kabalunbalunan kung Fretz. At ipaglalaban ko iyon hanggang sa langit.

 ay pahabol pa pala ng sulat. Ako pala si Umbrella Rain, an inyong dakilang bida.

--------------------------------

kalukuhan ng utak ko hahaha

---Suzi

Stalk Me Baby (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon