Chapter 2

36 7 0
                                    


Melissa

Akiera Laurene's POV:

"Patatawarin, hindi patatawarin, patatawarin, hindi patatawarin, patatawarin, hindi---Ahh! Nakakainis!" inihagis ko ang natitirang isang petals ng bulaklak sa damuhang inuupuan ko ngayon.

Nandito ako sa isang open space--field ng school kung saan may mga bulaklak na nakapalibot sa paligid ng lugar. Nakaupo ako ngayon sa damuhan kung saan may mga punong nagsisilbing proteksyon ko sa tirik na tirik na araw. Wala pa akong klase sa mga oras na ito dahil wala ang teacher namin na magtuturo dapat sa amin ngayon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang isang couple ang dumaan sa harapan ko na magkaholding hands habang naglalakad. '(HHWW) Holding Hands While Walking'

I am not bitter. But, i rolled my eyes at them. Seriously? Kailangan talagang magkahawak kamay kayong naglalakad? Hello? Hindi mawawala ang isa't isa sa inyo no! Kung makahawak parang wala na talagang bukas! Lalo na't nakita ko pa kung paano ipulupot ng babae yung braso niya sa braso ng lalaki.

Ahas lang!

"Hoy Kiera!" naagaw ang atensyon ko nang makarinig ng sigaw na isinisigaw ang maganda kong pangalan. Pero hindi pa ako lumingon.

I want a beautiful full name of mine just like me! Duh!

"Akiera Laurene Sanarez!" and with that, lumingon na ako. At nakita ko ang bestfriend kong si Reese Anne Torres. "Ikaw talaga! Kung hindi pa tawagin ang buo mong pangalan, hindi kapa lilingon! Ambisyosa lang!"

Napataas nalang ang kilay ko sa sinabi ng walang hiyang bestfriend ko. Take note 'walang hiya'.

"Ofcourse! Ano pa ang porpuse ng maganda kong pangalan kong hindi mo manlang ipagsisigawan?" taas noo akong humarap sa kanya na tila isang mapagmataas na nilalang.

"Tse! Hindi ako tagasigaw ng lintek na magandang pangalan na sinasabi mo!" maarte siyang umupo sa tabi ko. "Pero alam mo ba, usap usapan ka ngayon ng lahat."

Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero gusto kong mapangisi dahil lagi naman talaga akong pinag-uusapan.

Sa taglay ko ba namang kagandahan, natural nang ako'y pagusapan.

"Alam ko na yan no!" I flip my hair at sinigurado ko talagang tatama yun sa mukha niya. At tulad ng inaasahan ko ay maarte nanaman siyang napasigaw.

"Ew! Ano ba Kier! Tigilan mo nga yang pagflip ng malacorny mong buhok!" maarte niyang pinunasan ang mukha niya na akala mo ay nalagyan ng virus kung makapagpunas parang wala nang bukas.

Malacorny. Malacorny ang tawag niya sa buhok ko dahil mukha daw itong buhok ng mais. BUT! Hindi katulad ng buhok ng mais na as in dry na dry ha! Yung kulay lang! KULAY! COLOR! BLONDE!

Marahas akong tumayo at tinignan siya ng masama. "Kung wala ka lang namang sasabihing maganda, aalis nako."

"What?! Sandali lang! May sasabihin nga ako sayo!" nakatayo narin siya ngayon tulad ko.

"Go ahead! Tell me! May klase pa ko." bored ko siyang tinignan dahil talaga namang nabobored na ako.

"But, i can't promise you that this is a good news. Maybe it is or not."

Wishing Through The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon