PROLOGUE

67 7 0
                                    


Prologue

Akiera Laurene Sanarez POV:


It's my birthday today. And I'm alone. I prefer to be alone. Gusto kong nag-iisa ako sa kaarawan ko. Even my best friend Reese can't be with me. Hindi ko gustong may kasama ako. All I want is to be alone with the stars upon me.

Stars..

The thing that I admire the most.

Sa kalangitan, bituin ang aking pinakanahihiwagaan. They said, you can wish through the stars. Kapag may falling star na dadaan sa tuwing ika'y nagsastar gazing ay kailangan mong ipikit ang iyong mga mata upang makahiling ng mga gusto mo sa buhay. Like materials.

Materyales..

Hindi iyan ang gusto kong hilingin sa mga bituing nasa langit na asking tinatanaw ngayon. Iba ang gusto ko. Napakalayo sa mga materyales na hinihiling ng ibang mga tao. Dahil ang gusto ko'y maibalik ang dati.

Dati..

Ang dating nangyari sa aming dalawa. Ang dating love story na nauwi sa wala. Nauwi lahat sa wala dahil sa akin---sa kanya? Sa aming dalawa mismo. Kasalanan ko, kasalanan niya. Kasalanan naming dalawa.

Ako ang naghabol. Siya ang hinabol. Saklap no?

Zachary William Fernandez.
My ex-crush? My past-crush? The man that I love?

Ang love story naming dalawa or should I say, nadaan lang ang love story naming dalawa't nabura kaagad. Parang nagsulat ka ng pagkahaba haba tapos mali pala't buburahin mo rin.

Yung hindi kayo ang itinadhana sa isa't isa pero pinagtagpo lang kayong dalawa para magmahal ng padaan lang.

Ang sakit! Grabe!

Yung tipong inakala mong crush karin niya pero nagkakamali ka pala. Yung sinabi mo sa sarili mong..

"Ang saya ko! Crush din ako ng crush ko!"

Pero ito pala dapat ang sasabihin mo..

"Ang lungkot ko! Di ako crush ng crush ko!"

Yan eh! Yan na yung linyang babagay sakin! Dahil sa katangahan at pagkaassuming ko, nabigo ako sa unang pag-ibig.

"Hinihiling ko na sana hindi nalang kami nagkakilala."

May pumatak na luha ang nanggaling sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan at mapait na ngumiting tumingala sa mga bituin. Sumabay ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat.

I really really love this place. Sa ibabaw ng bundok. Sa kapatagan na malawak. Pinapalibutan ng mga kakahoyan. Bituing nagsisilbing tanawin sa gabi.

Ang lugar na ito. Kung saan, nabuo ang aming samahan. Pagkakaibigan. Nagkukwentuhan sa tuwing kami'y magsasama. Nagtatawanan sa tuwing may kwentong nakakatawang ibinabahagi sa isa't isa. Naghahabulan sa tuwing susumpungin ng mga kalokohan.

Our place.. Our bonding place together. NOON. Noong kami ay magkaibigan pa.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Hihiling ako sa mga bituin. Hihilingin ko ang bagay na gusto gusto kong matupad.

"I wish I could turn back the time. Zach. I am wishing this, through the stars."

Nanatili akong nakapikit ng labing limang segundo. Ayoko ng umalis pa. Pero alam kong hindi maari ang gusto ko. Kailangan kong umuwi. Kailangan kong magpakita sa bahay bago magalas-otso ng gabi. Ako'y nagiisang anak ng aking mga magulang. All of their expectations are all over me. Madami silang ekspektasyon sa akin na kailangan kong tuparin.

Because I want to be a good daughter to my family. Kahit sa pamilya ko nalang. Dahil alam ko sa sarili kong, hindi ako naging mabuting kaibigan kay Zach.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at pinagpag ang pantalong suot. Nakat-shirt ako ng puti at nakaitim na pantalon na pinarisan ko ng white converse na sapatos. This is my taste. My simple taste in fashion.

I guess this is the time na kailangan ko ng umuwi samin. I hold the key holder of my car keys with my fingers. Dumiretso ako sa puti kong kotse't binuksan ang pintuan nito. Sa huling pagkakataon, bumaling ako sa lugar na pinaghihilingan ko. Tiningala ko ang kalangitan doon sa malayo't ngumiti.

"Please, make my wish come true."

-----

A/N: Readers, I need your support. Please don't forget to click votes and type a comments. That's all! Thank you for noticing!

-NnahJanexz

Wishing Through The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon