His ConditionAkiera Laurene's Pov:
Nagising ako sa mahinang tawag sa akin ni Manang Cora sa labas ng aking kwarto.
"Ma'am Akiera? Gumising na po daw kayo sabi ni Ma'am Leah."
Kinusot ko ang mga mata ko't marahang naupo sa kama bago sumagot. "Pakisabi nalang pong bababa na ako within 30 minutes." sagot ko dito dahilan para mamaalam narin ito sa akin.
Napagpasyahan kong bumangon na't patayin ang alarm clock na nakapatong sa maliit na mesang katabi ng aking kama.
Nauna pa pala si Yaya gumising sa akin bago ang alarm clock ko. Ano naman ang dahilan ng pagpapatawag talaga sa akin ni Mommy?
Napatingin ako sa kalendaryo na na nakasabit sa pader ng aking kwarto. Napabuntong hininga ako sa aking naisip.
Biyernes. March 16, 2017. Ano nanaman kaya ang mangyayari sa araw na ito?
Pumasok nalang kaagad ako sa banyo't dinama ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking buong katawan. Makakaya ko bang harapin si Zach? Bahala na.
Bumaba na ako matapos kong magbihis ng aking uniporme. Nakauniform kami palagi dahil nga sa first year palang namin sa highschool, kailangan maging masunurin kami. Swerte ang mga graduating sa highschool at pwede silang magsuot ng t-shirts at jeans.
Kasalukuyan kong inaayos ang kurbata ng aking uniporme nang matamaan ko si Mommy na nagluluto na at si Daddy na ang aga rin gumising at nakaupo ngayon sa harap ng mesa't umiinom ng kape.
Bakit sila nagising ng maaga? Bakit hindi si Manang Cora ang nagluluto? Sinadya ba talaga ito ni Mommy?
"Goodmorning hija! Mabuti't gising kana." nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagbati sa akin ni Mommy.
Nakangiti akong lumapit kay Mom kasabay ng pagyakap at paggawad ng halik dito. "Goodmorning din po Mom, Dad." bumitaw na ako rito't pinuntahan din si Dad at hinalikan ang pisngi nito.
"Good morning din hija." saglit ako nitong tinignan na may ngiti sa mga labi.
He's busy again. This time, not on his work but in a newspaper.
"Let's eat." isa isang inilapag ni Mom ang platong naglalaman ng mga ulam na, pancakes, bacon and eggs.
"Wow!" sabay naming sabi ni Daddy na may bahid na mga ngiti sa labi at bahagyang panlalaki ng mga mata. Ito palagi ang sinasabi namin kada pupuriin namin ang mga pagkaing niluluto para sa amin ni Mommy.
"Bilib nanaman kayo sa akin?" nakataas ang noo at malapad ang ngiting nakatingin sa amin si Mommy.
"As always Mom." sabay kaming kumindat na dalawa ni Daddy sa kanya kasabay ng pagtawa naming tatlo.
How I love my family so much.
Nagiisang anak ako. Isang anak na busog na busog sa pagmamahal ng mga magulang. Ang pamilyang Sanarez na pinakamamahal ko. Mga magulang kong ginagawa ang lahat maibigay lamang ang gusto ko. My father is a business man while my mother is a house wife. Si Daddy ang nagtataguyod at nagpapakain sa amin habang si Mommy naman ang nagaalaga at gumagawa ng ibang tungkulin sa bahay. That's why I love them so much. Palagi isinasaksak sa kokote kong 'wag magtanim ng galit sa kanila kapag may mga maliit at malaking bagay kaming pinagaawayan at hindi pagkakaintindihan. Dahil kung wala sila, wala din ako sa mundong ito. I will always love them until our last breath.
BINABASA MO ANG
Wishing Through The Stars
Não FicçãoHIGHEST RANK: #2 in wishingstar I wish I could turn back the time. I wish I can make all the things right. I wish that you and I will be together until forever. I am wishing through the stars. (ON-GOING) Start: 01-31-18 End: