Chapter 6

18 3 0
                                    


Walang Modo

Akiera Laurene's POV:

"You need the book right? Come with me then. Whether you like it or not."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakaawang ang mga labing napatingin sa kanyang nagsimula nang lumakad palayo sa akin.

Papalayo ulit sa akin. PALAGI nalang.

"H-Hey! W-What do you mean?" gusto kong tampalin ang mismong sarili dahil sa pagkautal ko. Really Akiera? Magpapakatanga ka talaga ng harap harapan sa kanya?

"Come with me. You'll find out." nahimigan ko ang pagkairitado sa boses niya. Napangiti ako ng mapait.

He hates my presence. Alam ko. Ramdam na ramdam ko. Sa bawat pagusap at pagtitig niya sa akin ay alam kong napipilitan lang siya.

Gaya nga ng sinabi niyang... I am doing this just because of Melissa.

Hindi na ako nagsalita't sumunod nalang ako sa likuran niya. Tahimik kaming naglalakad pareho. Nauuna siya sa akin at nahuhuli naman ako. Pakiramdam ko, ang layo layo pa ng gate ng school namin. Yung parang sobrang bagal ng takbo ng oras.

Ganito ba talaga pag kasama mo ang taong kayang pabagalin ang oras na ikaw lang ang nakakaalam? Dahil siya mismo, walang kaalam-alam na mabagal na pala ang oras sayo?

Ipinilig ko ang ulo ko sa mga negative thoughts na namumuo sa lintek kong utak. Kailangan kong magisip ng positive thoughts. Yung hindi makabasag puso. Kahit na sa imagination ko nalang mangyayari ang mga bagay na hindi pwede sa reality. Lihim akong napangiti sa aking naisip.

Una: Dadalhin niya ako sa mamahaling restaurant. Yung tipong, puro mayayaman lang ang kumakain.

Pangalawa: Oorder siya ng mga mamahaling pagkain. Siyempre, tatanongin niya yung paborito kong dish.

Pangatlo: Habang hindi pa dumadating yung dish, magtitinginan muna kami. Tapos, magoopen ng topic yung isa sa amin. Magtatawanan tapos magkakaroon na ng spar---

Wishing Through The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon