Chapter 4

19 4 0
                                    

Mga Titig

 Akiera Laurene's POV:
         

"NO! Whether you like it or not, you're going to ride with us!"

NO WAY!

Oh my god! Tinotoo niya talaga! Kinakaladkad na niya ako ngayon at talagang nasasaktan na ako. Lakad takbo na ang aking ginagawa upang mapantayan siya nang dahil sa mga kamay niyang nakahawak sa aking braso.

"Zach ano ba! Nasasaktan ako!" 'Palagi mo nalang akong sinasaktan nang hindi mo alam!' pilit kong hinihila ang braso ko sa kanya pero malakas siya kesa sa akin. Hindi ko na matiis ang sakit kaya sumigaw ako ng malakas. "BITAW SABI EH!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sigawan siya ng ganitong kalakas pero nagpapasalamat ako dahil binitawan na niya ako.

Siyempre! Ang dali lang naman sa kanyang bitawan ako! Sino ba naman ako sa kanya?!

Binitawan niya ako pero nasa malapit na kami ng mismong kotse niya't kasalukuyang nakatingin sa amin ngayon si Melissa. That B1tch! Siya ang may kasalanan nito!

"Masyado kang matanggi sa inaalok sayo. Wala ka namang choice." masungit niyang sabi sa akin habang sinasalubong ang aking masasamang tingin sa kanya. Awang ang labing tinignan ko siya kasabay ng pagtulak niya sa akin sa loob ng sasakyan at muntikan pa talaga akong 'mapasubsob!'

What the fvck?! Ipapatikim niya ba sakin ang lasa ng sahig ng kotse niya?! At anong walang choice?! Marunong akong maglakad papuntang sakayan nang hindi siya kinakailangan!

"Napaka ungentleman bwesit!" mahinang sigaw ko kasabay nang pagupo ko sa upuan ng kotse.

"Now you know."

WHAT?!

Inirapan ko siya at ibinaling sa iba ang direksyon ng aking paningin nang mukha ni Melissa sa unahan ang nakita kong nakatingin sa akin na halatang pinagmamasdan ako.

"Naiingit kaba sa mukha ko? Pagawa kadin." sabi ko't inirapan siya pero tanging ngiti lamang ang iginanti nito sakin.

How I hate her! Her smile! Wala akong tiwala sa mga ngiti mong yan Melissa!

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan habang pinaandar ni Zach ang kotse nang abutin niya ang maliit na aircon at papaandarin sana nang pigilan siya ni Melissa.

Yamanin! Di-aircon ang kotse!

"Wag na Zach. Malalamigan si Akiera sa likuran." nakatingin siya sa akin habang sinasabi yan at sobrang naiinsulto ako sa huling salitang sinabi niya.

Wishing Through The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon