chapter SIXTEEN

4 0 0
                                    

                      NICOLE's POV

"Maaligamgam na tubig" sambit ko at agad tumakbo si Azi palabas

Tinakpan ko ng makapal na kumot ang medyo nanginginig parin na katawan ni jacob. Pumasok rin muna ako sa banyo at kumuha ng towel saka paglabas ay saktong pagdating ni azi dala ang tubig na nasa timba

Nilapag niya iyon sa side table saka ko nilamlam doon ang towel at nilapat iyon sa noo niya

Kinuha ko pa ang isa pang towel at nilamlam sa tubig saka pinunasan ang leeg at mukha niya.. di rin naman nagtagal ay kumalma na sa panginginig si jacob saka nakatulog

"Salamat po ma'am Nicole , sige po matulog na po kayo kami na po bahala kay boss" ani ni azi

Napansin ko ang magkambal na hikab ng hikab at si Azi na halata rin sa mukha ang antok at pagod

"No. Kayo ang matulog alam kong mas pagod kayo sakin, aalis pa tayo bukas diba" sagot ko

"Pero-

"It's okay, ako na bahala"

Wala nang nagawa pa si Azi at napatango na lang

"Sige po"

Lumabas ito kasabay sa isa sa kambal na nakasuot ng eyeglass na tinangoan ako bago lumabas

"Sa limang taon na pagiging magkasama namin ni jacob sa trabaho at skwelahan, ngayon ko lang yata siya nakitang nilagnat"

Napabaling ako sa isa sa kambal na nanatili sa kwarto ng magsalita ito

"Masyado na siguro siyang hirap at pagod kakaprotekta sa prinsesa. Alagaan mong maayos ang prinsepi Nicole, di madali lahat ng pinagdaanan niyan" patuloy na sambit nito saka lumabas

Napatitig na lang ako sa pintong nilabasan nito

Iiling-iling na lang akong bumaling kay jacob

'Ano ba talagang napagdaanan mo jacob? Bakit parang ibang-iba kana sa nakilala ko noon?'

Hayyyss!

Pinunasan ko uli ang mukha at leeg niya pagkatapos ay tumayo ako at si-net sa fan ang Aircon

Umupo na muna ako sa single sofa na nasa gilid ng kama niya at habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na si jacob ay di ko mapigilang masabi na

"Salamat"

And before I realize. Nakatulog na ako

...

"M-mom, d-dad... M-mom p-please don't leave me"

Nagising ako sa narinig na tila umiiyak na boses na iyon

"D-dad, m-mom, k-kuya please d-dont leave me"

Napatitig ako kay jacob na umiiyak habang paulit-ulit na nagsasalita

Then I remember what kuya told.

His mom, dad and brother died.

"P-please m-mom, dad! K-kuya don't leave!" He said in between his sobs

Mariin akong napapikit dahil na pagsikip ng dibdib ko god!

Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay

"Jacob.. jacob wake up" marahan ko siyang inaalog para magising ito at tumahan na

Ngunit nagpatuloy lang ito

"Jacob... Jacob..."

Napitlag pa ako ng bumalikwas siya ng bangon at hinihingal na napabaling sakin

We'll Fight Together (COMPLETED)Where stories live. Discover now