chapter THIRTY-NINE

1 0 0
                                    


THIRD PERSON's POV

A/n: so pinili ko talagang third person ang gamitin para mas madetalye ko nang maayos ang gagawin nila. hope you enjoy😊

WALA na sa sarili si jacob at pinipigilan na lang ang sarili na magwala dahil sa Galit

Nagsisimula na siyang lamunin ng Anger Management Disorder niya dahil na rin sa pag-aalala kay nicole

Samantalang tinatawagan naman ni Franco ang mga FBI AT PNP na pinagkakatiwalaan nila para sa kakailanganing tulong

Si Miguel at luis na rin ay labis naring nag-aalala pati na rin si evan

Sa Francis naman ay tahimik lang at mahigpit na nakakuyom ang mga kamao dahil sa labis na galit

"M-mag e-eroplano ba tayo?" Mariing tanong ni evan

"Oo para madali tayong makarating duon" sagot naman ni miguel sa kaniya

"O-oh sige, ididiretso ko na to sa airport" sambit ni luis

"Handa na ang mga FBI" ani naman ni Franco nang maibaba niya ang kaniyang cellphone

"Luis, d-dont go to the airport" sambit ni jacob na ikinataka nila. Halata dito ang panghihina pero pinipilit lang na nilalakasan ng loob ni jacob

"H-ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ni luis.

"H-hindi tayo pwedeng mag eroplano. S-sigurado akong inaasahan nilang sasakay tayo ng eroplano papunta duon at baka may hinanda sila para sa atin" sagot naman ni jacob dito

"May Punto siya" sangayon naman agad ni miguel

"Jacob are you okay?" Nag-aalalang tanong ni evan nang mapansin nito ang panghihina niya

"Don't mind me" agad na sagot ni jacob

"P-pero anong gagamitin natin?" Tanong naman ni Franco

"Matatagalan tayo pag magbabangka tayo" ani ni luis

"Pumunta ka sa zin's beach resort, kilala ko ang may-ari ng resort na yun at pwede tayong manghiram ng jetski. Tingin ko ay mas mabilis iyon" nagsalita naman na ang kanina pang walang imik na si Francis

Tumango si luis at minadaling menaniho ang sasakyan papunta sa nasabing resort

Pagka dating nila sa resort ay agad na kinausap ni Francis ang may ari ng resort para manghiram ng jetski na agad rin namang pinaunlakan nito

Isa-isa silang sumakay ng kani-kanilang jetski at pinaandar na ito patungo sa isla

Elang oras ang nakakaraan at elang kilometro na lang rin ang layo nila sa isla nang pinatigil na muna sila ni Francis saglit

"Kaya niyo bang lumangoy na lang papunta dun?" Tanong nito

"What?! Why?!" Gulat at nagtatakang tanong naman ni Franco sa kakambal

"Alerto ang mga tauhan nila doon at sigurado akong pinaghahandaan nila ang pagdating natin" si jacob ang sumagot habang hinuhubad ang mga damit nito hangang sa ang matira na lang ay ang boxer shorts nito

"Sht! Really man!?" Hindi makapaniwalang Singhal ni miguel sa kaniya

"Kailangan nating mag-ingat. At kung pwede ay wag tayong gumamit ng baril para walang maka alam na dumating tayo " sambit naman ni Francis at naghuhubad na rin ng mga damit nito hangang sa boxer shorts ang matira katulad ni jacob

"Argh! I can't believe we're doing this!" Naiinis man ay naghubad na rin si Franco habang nagrereklamo

Iiling-iling naman na sumunod na rin si luis at wala nang nagawa pa sina miguel at evan saka sumunod na rin

We'll Fight Together (COMPLETED)Where stories live. Discover now