chapter THIRTY-FIVE

3 0 0
                                    

SCARLET's POV

Hayy...

Kanina pa ako dito nakahiga pero hindi talaga mawala sa isip ko ang lalakeng yun

Ano bang nangyayari sakin? Argh!

Hindi ko na talaga ito kaya kailangan ko si keilyn sa sitwasyong ito eh

Alam kong may maitutulong siya

Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumayo at lumabas sakto naman na dumaan si kuya wade

"Kuya. Did you know where keilyn is?" Agad na tanong ko

"At terrace, scar" sagot ni kuya pero walang buhay lang ang matang tumingin sa akin

"Dito?"

Tumango lang ito at nagpatuloy sa paglalakad saka pumasok sa kwarto niya

May problema ata si kuya

Hayy sasabihan ko na lang siguro si ate mamaya. Uunahin ko muna ang problema ko ngayon

Pumunta ako sa terrace na nasa floor namin at naabutan ko nga si keilyn.

Tulala. Hindi man lang ako napansin na nasa tabi na niya

Anong nangyari dito?

"Hey" sambit ko but no response

T-teka diba galing dito si kuya wade?

Anong nangyari? Nag-away na naman ba sila? Nako naman..

"Keilyn" tawag ko uli sa kaniya pero ganun parin

Aish!

"Keilyn Nicole!" Sigaw ko malapit sa tenga niya dahilan kung bakit napahiyaw siya sa gulat

Tch! Buti nga sayo

Sinamaan niya naman ako ng tingin

"Ano bang problema mo? Bat kaba nangugulat ha!?" Singhal niya na agad tinaasan ko ng kilay

"Ikaw anong problema mo? Kanina pa kita tinatawag tulala ka lang jan!" Singhal ko rin sa kaniya pabalik

"S-sorry.." agad naman niyang bawi

Hayss.

"A-ano ba yun?" Tanong niya naman

This is it scarlet. Im sure keilyn can help me with this.

"A-ahm I-i need your help" simula ko

Sht kinakabahan ako!

"What is it?"

"I..i mean I need your advice"

Bumaling siya sakin at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib

"Ano nga? Nambibitin pa eh" Singhal naman niya

Tch di makapaghintay eh

"E-eh nalilito na kasi ako"

"San?"

"S-sa ano.. e-eh hirap e-explain"

"Ay tangina! Tch baliw ka na nga ata eh!" Naiinis na na sambit niya na nagpapikit sakin

"Eh doon na nga ata ako papunta keilyn eh!" Agad na sagot ko sa kaniya

Hindi na nagsalita pa si keilyn kaya napatingin ako uli sa kaniya at nakitang matiim niya lang akong tinititigan. Na para bang binabasa ang laman ng utak ko

"Ahh" aniya na sadyang nakangisi pa

Yung totoo sino parang baliw saming dalawa?

"Anong ahh?" Nakakunot kong tanong

We'll Fight Together (COMPLETED)Where stories live. Discover now