Wait, what?
Kaibigan raw? I smiled and for the first time today, I was genuinely happy.
"Sonia, you never failed to amaze me."
----------------------------------------
Sonia's pov
Mag-iisang linggo na nung huli kong nakitang naging emosyonal si Keanu sa Music Room. Hindi ko alam pero nung time na yon, feeling ko kailangan niya talaga ng isang kaibigan.
A week ago...
Nung nasa canteen ako para bumili ng lunch ko, nakita ko na parang nagbubulungan yung mga tao. Bakit kaya? Pero binalewala ko muna kasi, gutom na gutom na talaga ako. Bumili ako ng one and a half rice tapos sizzling pork sisig at pinaresan ko ng malamig na coke. Tumabi agad ako kay Kate malapit sa may dulong parte ng canteen. "Uy Kate, anong meron?" tanong ko sa kanya sabay lamon ng kanin. Tiningnan niya lang ako na parang di siya makapaniwala, "Seryoso Sonia, di mo alam kung ano ang latest?" sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at sinabing, "Mag-aabala ba akong tanungin ka pag sakaling alam ko?" hamon ko sa kanya. Binalewala niya lang ang sinabi ko, at kumain ng salad. Seryoso? Mabubusog siya diyan? "Oh ano na nga.." iritadong tanong ko sa kanya. Ubos na ang pagkain ko, pero hanggang ngayon di niya parin sinasagot ang tanong ko.Humarap siya sakin at sinabing, "Bumalik na ang Ex Girlfriend ni Keanu, at problemado ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya kasi bumalik na ang matinding karibal nila" sabay turo sa mga babaeng umiiyak samantala ang iba ay nagpapanic. Pssh OA naman.
Hindi na ako nagcomment kasi naOAhan ako sa mga babaeng akala mo eh end of the world na. Pero, saan kaya si Keanu? Hindi pa ako nakapagsorry sa enakto ko kanina sa hallway eh. Ang totoo nga, she stood up for me, but I just left her there without even saying a word. Feeling ko naiinis yun sakin, akalain mong si Keanu mismo ang nagsabing layuan ako ng mga flings niya, tapos umalis lang ako? That sure hit her ego.
Bumili ulit ako ng dalawang kanin at isang serve ng sizzling sisig at iced tea, para sana sa dinner ko mamayang gabi. Nagtext kasi si Mama na hindi siya makakauwi, you know, overtime. Iinitin ko na lang to sa bahay para mas masarap.
Papunta na sana akong CR ng marinig ko ang strumming ng gitara galing sa Music Room. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan, Shit walang tao! Pano kaya kung multo yun? Sabi-sabi kasi na haunted daw ang Music Room. Scary. Napagpasyahan kong sa kabilang building na lang akong magCR nang marinig ko ang isang malamig na boses.Galing ulet sa Music Room. Imposible namang multo yun, ang ganda-ganda kaya ng boses! May isang bagay lang akong napansin, parang pamilyar ang boses niya. Sabi nila, curiosity kills the cat daw, pero...ang ganda talaga ng boses niya eh! Malapit na ko sa pintuan ng music room, at nung nakita ko ang repleksyon ng tao sa salamin, Curiosity did killed the cat nga. There I saw a person singing emotionally...Keanu. Ang lungkot ng mukha niya, kahit hindi tumutulo ang mga luha niya, ramdam na ramdam ko pa rin ang nakakasuffocate na kalungkutan. Her pain is beyond any unimaginable amount of pain a person can possess that even a single tear is still not enough to show how sorrowful she feels. Nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko, alam kong dahil ito sa sobrang emosyong nararamdaman ko. How can a single person singing a single song bring so much emotion and express it to the listeners as if they are also feeling the exact emotion? I closed my eyes and listened to her voice. I thought pain is the only emotion present there, but no. There is...love.
She still loves her Ex.
Kaya pala Maybe This Time... Ano kayang nangyari sa kanila? Halata namang mahal pa niya yung ex gf niya, so why not fight for it? Im sure they would still find their way home, and that is in each other's arms.
BINABASA MO ANG
Music in Me (GirlxGirl)
RomanceDalawang taong nag-aagawan sa isang pangarap.. Pano pag during the process of reaching that dream, unti-unti ding nahuhulog ang mga damdamin nyu sa isa't isa? What would you choose? :) to love her? or reach your dream? :))