Nakalabas na ako ng campus ng pumasok sa utak ko ang maaaring hitsura niya pag nakita niyang malinis na ang mga gamit niya sa...
locker.
Then I smiled.
"Yup, I do act like a stalker sometimes."
---------------------------------------
Keanu's pov
"What to do now?"
Linggo ngayon, at dahil tinatamad akong gumala, napag-isipan kong mag-stay home na lang muna ako.
Bumaba ako, at pumunta sa kitchen kasi kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko.
"Moms! San ba nakatago ang ulam?" Tanong ko kay Mama na ngayon ay nag-eenjoy sa panonood ng Pitch Perfect. No wonder I love music.
"Sa microwave! Tsaka wag ka munang mag-ingay diyan!" Ulirang ina diba? Mas inuuna pa niya ang movie kesa sakin.
Hindi na ako sumagot, at imbes ay ininit ko na lang ang natirang tinolang manok kagabi, at lumamon na ng lumamon.
"Anak, hugasan mo ang pinggan ha? Para malinis tignan ang kusina."
"Eh gawain mo to Moms eh!" Pagrereklamo ko sa kanya. She gave me a warning look, as if telling me to do it or I'm grounded. Joke di na uso yun ano. Malaki na kaya ako. Pero dahil mahal ko si Moms, hinugasan ko na lang.
Pagkatapos maghugas, dumiretso na ako sa kwarto ko at napagpasyahan ko na ring maligo.
Others told me that amazing ideas come up while you're taking a bath. Eh ako? Wala lang, nagwa-wonder lang ako kung ba't ako pinanganak na gwapo at kung bakit marami ang nagkakacrush sakin, maliban kay... Urgh, erase erase.
Pagkatapos maligo, at magbihis, napagpasyahan kong magfacebook muna.
"Wow! Andaming notifs! Ilang buwan na ba ko hindi na ka log in?" Sabi ko ng makita ko ang sangkatutak na notifs, friend requests, at messages.
"Lakas talaga ng appeal mo, Keanu." Puri ko sa sarili ko.
Binabasa ko lang ang posts ng mga friends ko. Grabe ginawa talagang diary ang facebook. Yung iba naman ay sobrang vain. Protocol talaga na picturan muna ang food bago kainin?
"So vain."
While reading the posts, one picture really caught my attention. It was her. Si Sonia. Magkasama sila ni Matt sa Starbucks kahapon. I clicked her profile and scanned it. Bigla akong nanlumo sa mga nakita ko. "Halos araw-araw pala sila magkasama...so sweet."
Marami pang pictures na magkasama sila. This past weeks pala, halos araw-araw silang gumagala. May mga pictures pa sila sa loob ng sasakyan ni Matt. Tsaka may picture pa na bouquet ng red roses. That bastard, what's he up to?
Next lang ako ng next. Halata talagang masaya si Sonia. Kumikinang kasi yung mata niya, tapos yung ngiti niya hanggang mata.
"Ang swerte ng gago." Maglalog-out na sana ako ng nakita kong may nag message sakin.
Dria Chii: Hey.
Si Alex.
Ano namang kailangan ng babaeng to. Rireplyan ko ba? Ano na Keanu! Urgh, bahala na nga!
Keanu: Hey.
Wala namang mawawala kung replyan ko siya diba?
Dria Chii: Can we talk?
BINABASA MO ANG
Music in Me (GirlxGirl)
RomanceDalawang taong nag-aagawan sa isang pangarap.. Pano pag during the process of reaching that dream, unti-unti ding nahuhulog ang mga damdamin nyu sa isa't isa? What would you choose? :) to love her? or reach your dream? :))