SIMULA NANG MAGKA-USAP SINA LUCAZ AT RED ay palagi nang minamatiyagan ng huli ang una.
Palagi na'y sinusundan ni Red ng tingin si Lucaz.
Na sa tuwing mapapatingin siya dito ay agad namang sumusulpot sa isipan niya ang mga tanong na nabuo sa loob niya tungkol sa mga narinig at nasabi sa kanya ni Lucaz sa loob ng comfort room.
Gusto sana niyang komprontahin ito at tanungin ng diretsahan kung ano ang ibig sabihin nito sa mga sinabi noon. Pero inaalala niya na baka seryoso ito sa sinabi nitong 'kakailanganin mo ako balang araw'. Kaya hindi niya maaaring pakitaan o gawan ng kahit na anong 'masama' si Lucaz.
Pakiramdam din kase niya ay magkakatotoo ang sinabi nitong iyon.
******************************
HINDI NAMAN nakaligtas kay Jake ang tila 'palaging pagtitig' ni Red kay Lucaz. Subalit, iniisip na lamang niya na 'normal lang' kay Red ang ganoong klaseng 'tingin'. Dahil noong unang araw din naman niya sa klase sa Malaya National High School ay naranasan din niya ang ganoong klase ng tingin mula kay Red. Yung tingin na tila 'matalim' - yung tila tumatagos sa katawan.
Pakiramdam din niya ay may kinalaman siya sa mga ikinikilos na iyon ni Red.
Nais sana niyang layuan si Lucaz dahil dito. Pero sadyang si Lucaz ang nagpupursigi at gumagawa ng paraan para makalapit o mapalapit sa kanya.
Minsan ay tinanong siya nito kung may balak ba siyang tumakbo ulit sa darating na School Election. Sinabi pa nitong tutulungan siya sa pangangampanya at paggawa ng mga election paraphernalia.
Kinukulit din siya nito tungkol sa pagsali sa PagbaBAGO Group, yayamang isa umano itong transaferee at baguhan sa paaralan.
"Wala ka naman sigurong magiging dahilan para i-reject ako at hindi payagang makasali sa PagbaBAGO Group mo. Isa pa, malay mo, matulungan kitang mag-isip ng isang magandang proyekto para sa grupo mong ito." ani Lucaz isang araw na magtagpo sila sa library.
Kumunot ang noo niya sa narinig. Paano naman nito nalaman na nag-iisip siya ng magandang proyekto ngayon para sa PagbaBAGO?
"Teka.. Paanong..." hindi niya naituloy ang sasabihin (nais sana niyang tanungin kung paano nito nalaman tungkol sa 'pagpaplanong' ginagawa niya).
"Paano ko nalaman? Come on! Your project for RESPETADAS last year was a huge success. At siyempre inaasahan ng sinumang nakakakilala sayo sa paaralang ito na itutuloy-tuloy mo ang 'matagumpay' na pamumuno sa mga grupong itinayo mo sa school na ito. They are expecting you to do the same BANG - or may iba na inaasahan nila na mahihigitan mo pa ang iyong nagawa noong isang taon. That's normal." nakangising turan ni Lucaz na noon.
Nakamaang lamang siyang nakatitig sa lalake.
"What if sabihin ko sayong may maganda akong plano for PagbaBAGO Group?" nakangiti paring tanong ni Lucaz.
Medyo nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig mula dito.
"Pero, siyempre, hindi ko muna sasabihin ang planong nasa isip ko hangga't hindi mo ko pinapayagang makasali sa PagbaBAGO Group." nagpapa-cute na tila 'pagmamando' ni Lucaz.
Sa matamang pagtitig niya sa mga mata nito ay nababasa niyang mayroon nga itong naiisip na plano. Pero hindi niya maiwasang 'kwestiyunin' ito.
"Paano naman ako nakasisigurong mayroon ka ngang plano para sa PagbaBAGO? Paano ko rin malalaman kung maganda ba ang naiisip mong plano kung hindi mo ito sasabihin muna sa akin?" gumana na naman ang 'ayaw-patalo' niyang ugali.
Ngumisi lang si Lucaz.
Kumunot naman ang kanyang noo sa naging reaksiyon ng lalake.
Lumapit ito sa kanya at naglakad paikot sa kanya.
BINABASA MO ANG
PICTURES OF THE PAST - BOOK2 ("Pare Mahal Na Raw Kita")
Подростковая литератураJake's Story