CHAPTER 2

41 3 0
                                    

PAGDATING NILA SA CLASSROOM ay agad silang sinalubong at binati ng mga dati na nilang mga kaklase. Masaya silang nagkamustahan, nagyakapan at apiran.

Nang matapos ang kamustahan ay unti-unting nawala sa harapan nila ang kanina'y nakapalibot na mga kaklase at kaibigan.

Dahil dito ay unti-unti din namang tumambad sa kanila ang pamilyar na mukha ng estudyanteng nakaupo na gilid ng classroom.

Nakakunot ang noo ni Jake nang ma-kumpirma kung sino ang lalakeng ito. Si Lucaz!

Nagpapa-cute pa itong nakatitig sa kaniya. Parang sinasadyang papungayin ang mga mata (bagaman, natural na mapupungay na ang mga ito) habang naka-de-kwatrong upo.

Hindi na namamalayan ni Jake na nakalapit na pala sila sa nakaupong lalaki.

Hindi pa rin nito inaalis ang paningin sa kanya hanggang noong nakarating na sila sa mga bakante at available na upuan.

"Mukhang wala nang bakanteng upuan. Dalawa na lang." saad ni Lucaz. At ininguso nito ang mga upuan malapit rito. "Dito ka na umupo sa tabi ko, Jake." dugtong pa nito at bahagyang inayos ang upuan sa tabi nito.

Imbes na kumilos siya para umupo ay tiningnan niya muna si Red at inalam ang reaction nito.

Pero pilit na umiwas ng tingin ang huli at atubiling umupo na sa isang upuan sa likuran nilang dalawa.

Dahil dito'y napilitan na lamang siyang umupo sa tabi ni Lucaz.

Pilit rin niyang sinuklian ang ngiti ng lalaki.
Magsasalita sana siya at tatanungin ito kung bakit ito nasa classroom nila. Itatanong sana niya kung magiging kaklase ba nila ito.

Pero bago pa man siya makapagsalita ay may dumating nang guro at dumiretso ito sa harapan.

"Good Morning, students." pormal na bati ng guro nang makarating ito sa tapat ng lamesang nasa unahan. "Ako si Ms. Lily Hernandez. Ang inyong magiging adviser para sa taong ito." anito at iginala nito ang paningin na animo'y may hinahanap mula sa mga estudyante.

"Narito ba si Lucaz Vargas?" tanong ng guro at patuloy na iginagala ang mata sa loob ng classroom.

Nagtaas ng kamay si Lucaz.

"Ako po yun Ms. Lily.” nakangiting saad nito.
Awtomatiko namang napatingin ang lahat ng estudyante sa kwartong iyon kay Lucaz.

Bahagyang kumunot ang noo ng guro nang makita si Lucaz. "Ikaw nga ba yun? Bakit parang iba ang hitsura mo sa pictures na natanggap namin sa registrar?" tanong ng guro.

"Ako po iyon." tila naaaburido namang tugon ni Lucaz.

Pagkakita sa naging kilos ni Lucaz ay agad na napakunot ang noo niya habang tinititigan ito.

"Kunsabagay, sa pictures ay may eye glasses ka." muling turan ni Ms. Lily.

Tila nadoble naman ang tila hindi pagka-komportable ni Lucaz nang marinig ang huling nabanggit ng guro.

Mas pinagbuti naman niya ang pagtitig sa lalake. Tila may gusto siyang makita sa mukha nito. Parang pamilyar talaga ang mukha nito sa kanya. Parang nahihiwagaan din siya sa mga reaction at 'ikinikilos' nito habang nakikipag-usap sa guro. Mabuti na lamang at nagsalita na muli si Ms. Lily kaya't naputol ang pagtitig niya kay Lucaz.

"So guys, si Lucaz lamang ang bagong estudyante sa inyong klase. Maliban sa kanya ay wala nang ibang transferees dito. Ibig sabihin, siya lang ang baguhan sa klase niyo. At bilang isang baguhan, siya lang ang kailangan ninyong 'alagaan'." ani Ms. Lily. "Umaasa ako na pakikitunguhan ninyong mabuti si Lucaz at tutulungang kaagad na makapag-adjust sa ating paaralan at sa ating klase." pagtatapos nito. Tiningnan din siya nito ng matagal.

PICTURES OF THE PAST - BOOK2 ("Pare Mahal Na Raw Kita")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon