PAGKATAPOS NILANG KUMAIN ng lunch ay kaagad na nagtungo si Jake sa clinic ng school. Ikinuwento niya sa nurse ang nangyari sa kanyang braso at likod. Bagaman hindi naman siya nabalian ng buto ay ini-request niya sa nurse na lagyan ng benda ang kanyang braso. Dahilan niya’y sumasakit ito kapag nagagalaw. Pinagbigyan naman siya ng nurse at ginawan pa siya ng improvised arm sling (tali na sumusuporta sa mga napilay na braso).
Pagkatapos niyang bumisita sa clinic ay dumiretso na siya sa classroom. Wala pang ala-una noon kaya hindi pa nag-uumpisa ang kanilang klase.
Pero na-sorpresa siya nang datnan niya doon si Lucaz. At pagkadating na pagkadating niya sa bungad ng pintuan ay nakatitig na ito sa kaniya. Gaya ng dati ay nakangisi itong nakakaloko.
Hindi niya ito pinansin at dumiretso siya sa kanyang upuan.
Pagkaupo niya, hindi naman siya mapakali. Nakatitig parin kase sa kanya si Lucaz.
Wala sa loob niyang hinalungkat ang bag at naghanap doon ng kahit na anong mababasa. Para maging abala ang isipan niya.
Pero mabilis si Lucaz at kinuha nito ang bag mula sa kamay niya.
“Anong kukunin mo sa loob ng bag? Ako na ang kukuha.. Mukhang nahihirapan ka sa kamay mo.” turan ni Lucaz na ibinulong lang iyon ng napakalapit sa kanyang tainga.
Para siyang nakukuryente nang maramdaman ng kaniyang tainga ang hangin na idinulot ng hininga nito. Dahil dito ay hindi siya makakilos para bawiin ang bag mula kay Lucaz. Tumingin na lamang siya rito.
Nakangisi pa rin itong muling inilapit ang mukha nito para bulungan siya ulit.
“Ayos. Gaya ng inaasahan ko, gagawa ka ng paraan para makaiwas sa panggigipit ko sayo. I hope, hindi ikaw mismo ang gumawa niyan sa braso mo para mang magkaroon ka ng dahilan para makatakas.” nakakalokong ani Lucaz.
Sinubukan niyang sumagot. “A-aksidente talaga ang nangyari…” aniya. Hindi niya maintindihan pero bakit parang kinakabahan pa siya.
“Ang ikinatatakot ko kase, baka itinuturing mo na akong kalaban. Baka iniisip mong kontrabida ako…” ani Lucaz. Pabulong pa din itong nagsasalita. Tila nag-iingat itong baka marinig ito ng mga ibang estudyante na nasa loob na rin ng classroom ng mga oras na iyon. “Gaya ng sinabi ko sayo noon. Dati ay pinoprotektahan kita. At ganun pa din ang ginagawa ko ngayon sayo. Kakampi mo ako. At gaya din ng nasabi ko na kay Red, hindi ako kalaban. Oo, kalaban niya ako sa election. Pero hanggang dun lang yun. Pero kakampi niyo naman talaga ako” dugtong nito.
Nabigla siya sa narinig. Nagkausap na sina Red at Lucaz? Kelan? Anong pinag-usapan nila? Kay kinalaman kaya ang pag-uusap ng dalawa kung bakit kakaiba ang ikinikilos ngayon ni Red?
“Wag kang mag-alala… Wala pa kong sinasabi kay Red. Wala pa akong nakukuwento tungkol sa nakaraan mo. Hindi ko pa nababanggit sa kaniya ang tungkol sa’yo…” ani Lucaz.
Napatingin siya bigla sa mukha nito. Yung tingin na nagtatanong kung anong gusto nitong sabihin. Yung tingin na parang inaapuhap niya ang gustong sabihin ng kausap niya. Anong tungkol sa nakaraan niya? Sino ba tong kausap niya? Anong alam nito tungkol sa nakaraan niya? Tungkol sa kanya?
Ambilis ng tibok ng puso niya. Lalo pa itong bumilis nang tila nakikita niyang nakangisi pa ring nakakaloko si Lucaz. “Wag kang mag-alala… Balang araw ay malalaman mo rin kung ano ang ibig kong sabihin” tuma-taas-taas pa ang kilay ni Lucaz habang sinasabi iyon. Halos magkadikit pa rin ang kanilang mukha habang nag-uusap.
At nadatnan sila ni Red sa ganoong ayos…
Pagkakita kay Red ay tila ngumisi pa lalo si Lucaz.Siya nama’y tila natutulala at lalong dumarami ang katanungan sa isip niya…