CHAPTER 4

22 1 1
                                    

ISANG UMAGA ay nakasabay ni Jake si Lucaz sa pagkain sa school canteen. Pumuwesto ito sa isang table kung saan siya nakaupo at kumakain.

"Hi! Jake." anito nang nakangiti.

Atubili naman siyang ngumiti rin at tumango-tango lang.

"You know what!? I already filed my certificate of candidacy sa registrar. That makes me an official candidate for the school's SBO Vice President." pagpapatuloy nito habang inaalis mula sa tray ang mga pagkaing nabili.

Mataman lang niyang pinanuod ito. Hindi niya rin kase alam kung ano ang sasabihin.

"By the way, I just heard kanina lang, after kong mag-file ng CoC sa registrar... tumakbo din pala si Red for Vice President last year? At nakalaban ka niya? Tatakbo ka ba ulit? Siya ba?" sunod-sunod na tanong ni Lucaz habang sumusubo ng pagkain.

Tiningnan niya muna sa mata si Lucaz bago niya ito sinagot.

"Kanina mo lang nalaman? You mean.. Hindi mo ba sinadyang planuhin na tumakbo para kalabanin si Red? Para inisin siya? Talaga bang hindi mo alam na tatakbo si Red for Vice President bago ka mag-file ng Certificate of Candidacy?" aniya. Pagkatapos nun ay inabangan niya ang magiging reaction nito. Tinitigan niyang mabuti ang mga mata nito.

"What!? What made you think that way? Bakit ko naman siya sasadyain kalabanin? At inisin? Para saan? I mean, for what?" anito na tuloy-tuloy pa rin ang pagsubo ng pagkain.

Sa basa niya sa mga mata nito ay tila totoo naman ang sinasabi nito.

"So.. tatakbo ulit si Red this year? For Vice President ulit? Teka.. teka muna.. Bago yun... Inaakusahan mo ba talaga akong sinadya ko ang pagplano ng pagtakbo sa election para kalabanin ko si Red? Para inisin siya? Siguro iniisip mong gusto ko siyang kalabanin dahil sayo? Siguro iniisip mong I'm hitting on you? Iniisip mong pinupormahan kita? At kung sakaling pinopormahan kita, saka naman maiinis sa akin si Red – lalo na nga kapag tumakbo ako. Wait, may something na ba sa inyo ni Red? Kayo na ba?" ani Lucaz. Nagtunog 'nanunukso' na ito. Nagpa-cute pa ito habang nagsasalita.

Hindi niya inasahan ang magiging sagot nito. Na ganito pala ito ka-prangka sa pagsasalita.

Natawa lang si Lucaz sa naging reaction niya. Napanganga kasi siya pagkatapos marinig ang sinabi nito.

"Well... Honestly, I decided to run kase gusto kong malaman kung may pag-asa ba ang isang transferee at baguhang katulad ko at katulad ng mga magiging kagrupo ko sa PagbaBAGO na manalo sa SBO ng school. As I have also learned, hindi mo pa yun napapatunayan kase, nagtabla lang kayo ni Red last year. It is not a pure victory, kumbaga. Tama?" tugon ni Lucaz. "I also wanted to secure a place for me here. Kase baka, tupakin ka na naman at hindi mo ako payagan sa pagsali sa PagbaBAGO Group. Kahit na wala ka namang 'choice' kundi pasalihin ako. At least kapag nanalo ako, pwede pa rin akong gumawa ng projects as a Vice President. Hahaha!" dugtong nito. Nagpapa-cute  pa rin ito habang nagsasalita.

Wala siyang maisagot. Tila mas gusto niyang i-absorb lang lahat ng sinasabi nito at pag-aralan at pag-isipan ang mga ito.

Iniisip niya rin ang magiging 'tapatan' ni Red at Lucaz. Dahil tama si Lucaz, napagpasyahan na nga ni Red na tumakbo ulit sa pagka-Bise Presidente... Sinabi nito ang desisyon na iyon pagkatapos na marinig ang sinabi ni Lucaz sa telepono.

"Gaya nga ng sinabi ko over the phone nung tinawagan kita. Gusto kong tulungan mo ako sa pangangampanya. Nabalitaan ko kase na 'patok  na patok' daw ang mga pakulo mo sa pangangampanya noong nakaraang taon. Kapag tinulungan mo ako, saka ko lang sasabihin naman sayo ang planong naiisip ko for PagbaBAGO bilang kapalit ng pagtulong mo sa akin." anito na seryoso sa pagsasalita.

PICTURES OF THE PAST - BOOK2 ("Pare Mahal Na Raw Kita")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon