Synopsis

37 3 3
                                    

Hindi ako magmamahal pangako

Iyan ang unang pumasok sa isip ko magmula nung maranasan kong humanga sa isang tao

Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal ng kahit na sino

Kasi ayaw kong masaktan at maiwan

Ang daming dahilan upang ang pag-ibig ay dapat iwasan

Dahil sasaktan at papaasahin ka lang naman ng taong lubusan mong pinahalagahan

Masakit umasa pero sa huli daw ay sasaya kasi makikilala mo ang taong sa iyo ay nakatakda

Marami silang sinasabi pero ano nga ba ang totoo?Ano nga ba ang paniniwalaan ko? Nasaan ang tama? maiiwasan ko ba ang mali?

Ang ginawa ko nalang ay dumistansiya at umiwas sa kanila

Umiwas sa mga taong alam ko na kaya akong paasahin at saktan

Kasi alam ko kapag tumagal baka mahulog ako at hindi na makakabangon pa

Kay hirap namang maniwala sa pag-ibig kung masasaktan kadin pala

Iiwas nalang ako baka sakaling mapana pa ako ni kupido

Pero parang ayaw magpaawat ni kupudo

Pilit akong hinahabol at pilit sinesentro ang pana sa puso ko

Paano kapag napana na niya ako?

Maiiwasan ko nga ba ito?

Maiiwasan ang katotohanang isang araw mahuhulog ako?

Kaya ko nga bang iwasan ang tadhana at si kupido?

Gusto kong malaman ang kasagutan ng di ako nasasaktan

Pero paano ko nga ba ito malulusutan?

Ang pag-ibig na lahat na ata ay may karanasan

Ako na lang napag-iiwanan

Kung SakaliWhere stories live. Discover now