3

5 0 0
                                    

Kinabukasan...

Nakita ko iyong ex ni erine kasama iyong isang babae parang sila lang iyong magkasama at hindi niya na namalayan ang aking presensiya ganon ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Na kahit na may ibang tao na nakapaligid sayo,hindi mo mamamalayan kasi  ang buong atensyon mo lamang ay nasa taong mahal mo?

Umalis nalang ako para hindi na makagawa ng eskandalo

Gusto ko sana siyang komprontahin kaso nagdadalawang isip ako baka mamaya kung ano pang magawa ko kaya umalis nalang ako

Bakit ba kasi kailangang maging tanga kapag nagmamahal?

Hindi ko alam kung bakit nagiging tanga ang taong nagmamahal pero bakit kailangang maging ito ang rason upang sila ay manakit ng tao

Bakit palaging ang lubusang ngmamahal ay laging natatalo?

Hays sana naman huwag mg dumating sa puntong ako naman ang panain ni kupido,hindi ko kasi kakayanin na mabaliw sa isang tao,parang ang hirap lasing isipin na mahuhulog ako...pero di niya ako masasalo

Habang naglalakad ay napadaan muna ako sa 7/11 para magpalamig para kasing anytime di ko kakayanin ang stress sa kaibigan ko kaya bumili muna ako ng ice cream

Ang hirap naman kasi kapag nagmamahal ka...andaming nakataya

LOVE is about taking risks and sacrifices...

Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip iyong mga nangyare sa kaibigan ko

Kapag nagnahal ka,puso mo ang nakataya

Hindi mo naman kasi pwedeng pigilan iyong nararamdaman mo

If you fall you just fall

Kahit na ipagpilitan mong siya ang gusto mo,kung may iba siyang gusto...wala kang magagawa

Minsan iniisip ko...paano kung
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako naman iyong magmahal tapos nagpakatanga?

What if nahulog ako...tapos hindi pala ako iyong gusto ng taong gusto ko?

Huwag naman sana

Nabalik naman ako sa realidad ng maramdaman kong tunaw na ang kinakain kong ice cream

Nagpunas muna ako ng amos at nagsimula ng maglakad nakakakonting hakbang palang ako ng makasalubong ko si Irene
habang nakatingin sa ex niya na kasama iyong bagong girlfriend nito pansin ko rin na anytime babagsak na ang kaniyang mga luha kaya agad ko siyang hinila papalayo sa ex niya alam ko kasi na nadudurog siya dahil sa nakikita niya

Hindi niya pa kayang makita iyong mahal niyang masaya sa piling ng iba

"Kristel bakit ang sakit-sakit?"tanong nito at kitang- kita ko kung paano siya nadudurog ngayon

"Eh kasi nagmahal ka ng sobra."sabi ko naman at pilit siyang pinapakalma

"Mahirap masanay sa isang bagay na alam mong di tatagal,tandaan mo yan Erine."dagdag ko pa

"Pero kasi nag assume ako na siya na talaga akala ko kasi ako lang iyong mamahalin niya pero  nagkamali ako Kristel."sabi pa nito sabay takip ng kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mukha dahil marami naring nagtitinginan samin dahil kanina pa iyak ng iyak si Erine kaya hinila ko na siya pabalik sa dorm na tinitirahan namin

Kung SakaliWhere stories live. Discover now