Light's POV
Lumabas na ako ng locker room. I quietly observed the surrounding habang binabaybay ang corridor ng first floor. Walang mga estudyante dahil may kanya-kanyang klase sila -.-
Saktong kakalagpas ko lang don sa walang kalamang-lamang room nang mapatungo ako nung may natapakan akong balat ng candy. At may biglang bumangga sakin. Uso talaga mang bangga ngayon eh -__-.
"Aray, punyeta."
Napatingin ako ng masama don sa letseng bumangga sakin. Matangkad, maputi, naka under cut ang dark brown niyang buhok, makinis ang mukha, may malalim ngunit medyo singkit na mata, mahabang pilik mata, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi-- shet ang gwapo. Pero bigla akong tinaasan ng kilay neto. At syempre papatalo ba ako? Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Excuse me?"
Tinitigan ko lang siya. Balasiyajan. Aba hindi porket gwapo to--
"Tsk."
ABA NILAGPASAN AKO??
Nilingon ko siya na ngayon ay likod niya na lang ang nakikita ko. Binabawi ko na. HINDI SIYA GWAPO OKAY.
Pagkatapos kong mabwisit don sa panget na yon, dumeretso na ko sa next class ko. Tutal isang klase lang naman yung hindi ko inattendan.
Sapphire's POV
Sinamaan kami ng tingin ni Gabriella. Psh, eh kung nagbabasa kaya siya sa gc namin edi sana hindi siya outdated at parang timang ngayon.
Tinignan ko yung transferree, if I heard it right, her last name is Picolo? So siya pala ang laman ng underground website ng Academy.
"Good morning class, I'm very sorry I'm late."
Atlast, dumating na rin si Mr. Palate. Baka malasin ang buong school year namin kung si Sir Dimasaya ang unang magkaklase sa amin tsk.
Hindi naman nag klase si sir. Since first day naman, why don't we 'get to know each other' daw. Kaya ngayon nakapalibot na ang mga upuan namin nang pabilog.
Bali ang mga nakapalibot ay syempre ako, si Gab, Phoenix, Francine, at Altemy. Lumipat naman yung Jeremy dun sa tropa niya.
"Grabe parang di tayo mag kakaibigan ah."
Bwisit na sabi ni Gab. Lukot na lukot yung mukha niya sa sobrang pagka-simangot. Psh, kasalanan ba naming ML siya ng ML dyan kaya hindi nababasa yung messages sa gc.
Inirapan ko na lang siya at pinagtaasan ng kaliwang kilay. Napabuntong hininga naman si Altemy. Good luck Gab.
Altemy's POV
Bwisit kong tinignan si Gab at tinaasan ng kilay. This girl is getting on my nerves.
"First of all Gabriella, hindi namin kasalanan kung hindi ka nag babasa sa gc. Kaya wag mong isisi samin kung wala kang alam. Pangalawa, sino ba dapat ang mag adjust? Pangatlo, wag kang sumimangot, plantsahin ko yang mukha mo eh."
Gabriella's POV
"Onga, konyatan kita dyan eh."
Gatong ni Francine sa sinabi ni Altemy. Kaya kinuha ko agad yung phone ko mula sa bulsa ng palda ko at tinignan yung gc namin. Hmm.
Matapos kong basahin yung gc ay tinignan ko sila at nginusuan. Lahat ba naman sila nakatingin ng masama sakin except Pheonix who is grinning at me.
"Oo na oo naa. Sorry. Wag na kayo magalit. Hehe."
*Bell rings*
"Tara na sa cafeteria. Naiistress ako kay Gab."
Pagkasabi ni Altemy nun ay tumayo na sya at sumunod na kami sa kanya. Psh, ang hirap kaya mag pa rank up sa ML.
*Cafeteria*
Pagpasok na pagpasok pa lang namin ay biglang tumahimik ang buong paligid. Whoop, may dumaang anghel whahaha (which is me by the way). Ngumiti ako sa mga estudyante at nagpatuloy na ulit kaming mag lakad.
"Kenekeleg eke fren. Magkakasama ulit sila."
"Nakita mo yon?! Nginitian ako ni Princess Gabriella pre!"
"Kelan kaya nila ako mapapansin? Hayyy."
At unti unti na ulit umingay ang cafeteria. Nakita ko naman si Afifa at Ice na nakaupo sa isang pahabang table. Lumingon sa direksyon namin si Afifa at kumaway.
"Afifaaaa hihi ^.^"
"You're not cute, Gabriella-unnie. Disgustiiing."
"HOY GRABE KA NAMAN. MAS MATANDA AKO SAYONG BATA KA HA."
Umupo na kaming lahat sa table. Bali ganto ang seating arrangement.
Francine - Sapphire - Afifa
-Table-
Altemy - Ako - Pheonix - Ice
Kinuha ni Sapphire yung menu na nakapatong sa table at nagsimulang basahin yung menu para ngayong araw.
"I'll be having a tuna sandwich and iced tea. Ano sainyo?"
Pinindot ni Afifa yung button na nakadikit sa gilid ng table na magnonotify sa counter na mag oorder na kami.
"Chocolate mousse and water with ice sa akin Unnie." -Afifa
"Burger tsaka iced tea sakin." -Francine
"Magtu-tuna sandwich rin ako pero water with ice huehue." -Ako
"Carbonara and Jasmine tea would be fine." -Ice
"Siopao tsaka orange juice sakin." -Pheonix
"I'll be having vegetable salad and iced tea." -Altemy
"Wow nakain ka pala ng siopao, Pheonix?"
"Anong tingin mo sakin Gab? Tss."
Inirapan ko lang siya at finally, dumating na yung kukuha ng order namin. Si Sapphire na ang umorder. Umalis na si kuyang kumuha ng order namin pagkatapos i-abot ni Sapphire yung card niya. Uy nang libre HAHAHAHAHA.
Pumangalungbaba ako sa lamesa at napa buntong hininga.
"Ano kayang ginagawa ni Light? Hayyy."
___________________________________________________________________
HELLO WHAHAHHAHAA. I UPDATED YEHEEEY.
I'm very very sorry. I forgot to upload this last last week. Babawi akoo. I'll be updating this coming saturdaaay.
~xee
![](https://img.wattpad.com/cover/14081252-288-k479174.jpg)
YOU ARE READING
N U M I N O U S
FanfictionI turn away and close my heart- to the promise of love that is luring. For the past has taught to not be caught, in what is not worth pursuing- To never do the things I've done that once had l...