Chapter 6

21 1 0
                                    

Light's POV 



Nagising ako ng alas nuebe ng gabi. I checked my phone only to see 7  and 2 missed calls from Phoenix and Sapphire, and  1 message from Ice.



'Ate, come here at the mansion as soon as you wake up. Looks like you forgot about the dinner.'

-Ice



Napailing ako nang maalala ko ang planong dinner nila Sapphire. Mukhang dun naman ata sila matutulog sa mansyon kaya ako pinapapunta ng kapatid ko.



Tumayo na ako at naligo. I opened my closet at punong puno na yun ng mga damit. I picked out a high-waist denim jeans and plain olive green crop top shirt. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay sinuot ko na ang puti kong sneakers at lumabas ng kwarto.



I let my long, wavy, jet black hair loose and wala din akong suot na salamin. Wala naman masyadong nagbago sa itsura ko, mukhang tulog na kasi ang lahat kaya hinayaan ko na ganito na lang.



Sumakay na ko sa sasakyan ko at nag drive paalis ng school. 



Cloud's POV



Pagka tunog ng bell ay napagdesisyonan namin na magtungo papunta sa Building of the Administrators. May gusto kasing ipabago si Dark sa schedule nya kaya naman magpapabago na din kami, syempre kailangan masaksihan namin kung pano humarot si bossing. Joke, HAHAHAHAHA!



Pagkapasok namin ng building ay agad kaming sinalubong ni Ms Yna, and secretary ni Principal Flare. 



"Mr. de Valle, Mr. Scott, Mr. Blade, Mr. Jackson, Mr. Styles, what brings you here?"



Magalang na tanong saamin ni Ms Yna. Nginitian ko sya at sinabi na gusto namin ng kaunting pagbabago sa mga schedules namin. Tinanguan nya naman kami at pinaupo muna sa waiting lounge.



Kung nagtataka kayo kung paano namin nakilala si Principal Flare ay dahil yun kay Phoenix. Nang malaman ni Phoenix na dito kami papasok sa highschool ay ipinakilala nya saamin si Principal Flare, fresh graduate galing Harvard University. Itinuturing kami ni Principal Flare bilang kanyang mga kapatid kaya ka-close din namin sya. Mukhang may bisita pa si Principal Flare kaya't mga limang minuto din kaming naghintay.



Maya-maya ay  iginaya na kami ni Ms Yna sa office ni Principal Flare. Bago kami makapasok ay napansin ko ang silhouette ng isang babae na papasok sa pinto kung saan dumadaan ang mga importanteng bisita. 



"Dark, Cloud, Hide, Reign, Genesis! Maupo kayo. Anong maipaglilingkod ko sainyo?"



*30 minutes later~*



"Salamat, Principal Flare."



Pagod na lang syang napangiti habang umiiling. Iginaya nya kami palabas ng kanyang office at tinanguan.


N U M I N O U SWhere stories live. Discover now