Light's POV
"Light, are you ready?"
Napalingon ako kay kuya Phoenix na katabi kong nakaupo. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Joke lang. Pero di nga, seryoso ka ba?"
Napaisip ako sa sinabi nya. Ano ba yung tinutukoy nya?
"TAO POOO. HELLOOOO. HIIIIIGGHHHH."
Sabay kaming napalingon ni kuya sa pinto ng may pumasok na babaeng nakasuot ng uniform na parang nakalunok ng microphone na akala mo rin sasabak sa gyera dahil sa bunganga nya.
"HI PHOENIIIIX! HI LIIIGHT! ASAN SI YELO?!"
Napairap ako sa isip ko. Kung hindi ko lang kayang pigilan ang sarili ko malamang tinusok ko na toh ng baba ni Sehun. Tumayo naman si kuya na akala mo sasabak rin ng gyera kasi..
"HOY ANG AGA AGA RATATATATAT NA NAMAN YANG BUNGANGA MO GABRIELLA."
"ANO BANG PAKE MO HAH?! ARTE NITO!"
Nagsigawan pa sa harap ko. Susme. Gabriella nga pangalan ng babaeng toh. Tama lang na Gabriella ang pangalan nya, alam kong alam nyo yung tinutukoy ko. Napabuntong hininga na lang ako. Oo mahaba ang baba nya pero hindi ba sya nasasaktan pag nagsasalita sya? Isang tungo na lang kaya sya. Tss.
"Good morning."
Pormal na bati ni Sapphire. Umupo sya sa tabi ko habang kumakain ng chocolate. Tinignan ko lang sya bago ako lumingon sa mga kasunod nyang nakauniform rin.
"Yo. Oh, asan si Ice? Malalate na tayo oh."
I mentally rolled my eyes to Francine. 7 pa lang ng umaga at 8 pa ang simula ng orientation. Ang aga aga nila mambulabog. Bakit ba sila nandito? Tss.
"Ate Light, seryoso ka bang lilipat ka ng school?"
Tinanguan ko lang si Afifa. Lilipat lang naman ako. Ang OA nila ha.
"Where na ba si Ice? I want to make punta to school na."
Nakita kong inirapan ni Sapphire si Altemy. Hindi ko alam kung saang galing planeta si Altemy at ganyan magsalita.
"Lahat kayo hinahanap si Ice. Ano bang meron? Tsaka ba't kayo nandito?"
"Duh Phoenix. Late na tayo. Tsaka first day ngayon noh. Palagi kaya tayong lahat sabay pumasok pag first day."
"*Roll eyes* As if lagi tayong sabay pumasok. Maygahd nakakastress kayo."
Gulat silang napalingon kay kuya tas sa akin. Wait, what did he just said?
"H-hah? Anong nangyari?"
Tanong ni Francince na na-starstruck sa sinabi ni kuya. Sino bang hindi ma sa-starstruck diba? Pero kung sabagay, hindi ko rin alam kung saan napupulot ng kakambal ko yung mga ganung salita. Naimpluwensyahan ata ni Gabriella. Nako sabi naman kasi sayo kuya, wag kang tatabi sa mga may sayad. Yan tuloy. Tss.
Phoenix' POV
Napabuntong hininga ako nung marating ko ang kwarto ko. Napahiga ako sa kama.Ang sakit talaga sa ulo ng mga babaeng yun.
*Whistle~
Make 'em whistle like a missile, bomb bomb*
Napalingon ako sa cellphone kong nagriring. Napakunot ang noo ko nung makita ko ang caller id. Bakit naman tumatawag si Dark?

YOU ARE READING
N U M I N O U S
أدب الهواةI turn away and close my heart- to the promise of love that is luring. For the past has taught to not be caught, in what is not worth pursuing- To never do the things I've done that once had l...