Pagising ko ay nakaramdam ako nang bigat, hindi na ako halos makagalaw.
Tyaka ko napagtanto, nakayakap at nakatanday pala sakin ang magama.
sarap sa pakiramdam.Ayoko muna gumalaw, kasi baka magising sila.
Sa ilang buwan ko panantili rito, ngayon ko mas lalong naramdaman na may pamilya na ako.
may anak at may lalaking nagmamahal.Bakit kaya maaga ako iniwan nang magulang ko? bakit wala akong kamaganak na naghahanap sakin?
may kapatid ba ako? kulang na kulang ang pagkatao ko, bago ako dumating sa bahay na to.
ngayon ko lang uli naramdaman na buo ako, hindi ko na nga matandaan kung kilan ko huling naramdaman yun, kasi wala naman ako maalala na kasama ko ang pamilya ko.
ano kaya mangyayare sa akin pag nawala ang magama ko?Nawala ang iniisip ko nang makaramdam ako nang halik sa pisngi, Nang lingunin ko ay nakita ko agad ang magandang ngiti nang lalaking mahal ko.
"Hi hon! goodmorning! " malambing ang pagkakasabi nya halos namanaos ito.
"Goodmorning! shh! hon tulog pa si grey! "
Agad naman sya napalingon kay grey, tinalikuran ko sya para humarap sa batang mahimbing ang tulog.
"ang bilis nang panahon nuh? dati dati tahimik lang syang bata, ngayon kaagaw ko na sya sayo haha!! mabilis na din maginit ang ulo nya lalo na pag namimiss ka nya! " natatawa nyang sabi habang nakayakap sakin mula sa likod.
"oo nga at sobrang kulit na rin nya! unti unti mo na syang nakakamukha hon. "
Hinahamplos ko ang may kahabaan netong buhok.
"haha kaya nga sya gwapo hon eh haha!! "
Nagbuhat nanaman nang bangko ang lalaking ito.
TOK
TOK
TOK
TOK"mam sir may bisita ho sa baba! at si grey ho ay hindi namin makita wala ho sya sa kwarto nya! " kinakabahan ang boses nang katulong
" may inaasahan ka bang bisita ngayon hon? " tanong ko kay zerep na naniningkit ang mata
"Ahh wala ahh! kita mo maghapon tayo dito diba ? " depensa nya sa maaga kong haka haka
"sino ang bisita Mommy? " namamaos na sagot ni grey halatang kakagising lang nya
at Napalingon kami sa batang napapapikit pa."Gising ka na baby! baba na tayo? "
May hula na ako kung sino ang bisita, pero pinagpapanalangin ko na wag naman sana! masaya na kami!
At nang makababa kami ay hindi nga ako nagkamali sya nga ang bisita
"Goodmorning Baby! " Agad nyang nilapitan si zerep at niyakap.
Napaiwas na lang ako nang tingin, kailangan ko sya pakisamahan! dahil sya naman ang totoong nanay ni grey.
"Goodmorning! my little baby! "
Naglakad na ako papunta sa kusina dahil hindi ko kayang makita ang nangyayare.
"MOMMY!! " habol sa akin ni Grey kaya nilingon ko sya tumatakbo sya pasunod sakin.
nakita ko na nakataas ang kilay ni rea nang tignan sya ni Zerep ay bigla lumambot ang ekpresyon nya, bigla mukha syang nasasaktan tinapik naman ni zerep ang balikat nya na naging rason para mapayakap sa kanya ni rea.
Wow Magic! Galing *Clap* * Clap*
Pang best actress amputss.Nagtuloy tuloy ko na lang paglalakad kasama si grey. sakit nila sa mata!!
Sa sobrang inis ko si Grey lang ginawan ko nang almusal. bahala na katulong sa kakainin nila!!!
Mabilis na tumakbo ang oras, ganun pa rin mukha pa din kawawa si rea.
habang si zerep ay inaasikaso sya.Sabi nya si grey paghahatian namin ni rea pero bakit parang hindi naman!!!! kasi ang anak ko ay boung bou sakin!! samantalang sya nahati na! gustong gusto ko sya sigawan tapos sumbatan!
Inakyat ko na si grey, pinaliguan at binihisan. dahil may pasok sya ngayon.
"Mommy dito ba titira si Rea? " usisa ng bata nakatingin sa malayo tila may malalim na iniisip.
" hindi ko alam anak, bakit mo natanong? "
"kasi mommy! hindi tayo magiging masaya kung nandito sya!!! kita mo yung breakfast natin kanina hindi masaya? " puno ng iritasyon at pagkainis ang boses ni grey.
"Wala ako magagawa anak! kasi sya ang tunay mong nanay! " naluluha kong tugon sa bata
"Alam mo mommy? mas kamukha nga kita eii hahah! "
Natawa ako sa biro nang bata.
alam ko na pinapagaan nya lang loob ko pero hindi sya nabigo hahaha"Oo nga!! kita mo liit nang ilong mo hahaha pango haha!! "
"Mommy naman eii!! pinapasaya kita ako inaasar mo! " lumabi sya sinabi nya
"Hahaha kyuut kyuut talaga nang anak ko!!! "
Niyakap nya ako at agad na binigyan nang halik sa noo.
Ang sarap naman, may batang lalaki hahalik sa noo mo para pagaanin ang loob mo.
"Sweet talaga nang baby ko! Tara na baka malate ka na! "
Nang makababa kami ay hinanap ko na si zerep
"Manang asan si Zerep? "
"Nasa Pool po mam kausap si mam Rea. "
Nanakit agad ang puso ko sa sinabi nya
"Ganun ba pasabi na lang na papahatid na lang kami kay mang berto. kasi ang busy nyang person "
Yun lang at umalis na kami ni Grey
"Mommy bakit pakiramdam ko hindi naman nadun si rea para sakin? nadoon ata sya para kay daddy eii!! " malungkot na ika nang bata
"Bakit baby kulang ba ang pagmamahal ko sayo? gusto mo pa na maramdaman yung kay rea? "
Parang mas masakit yun kesa sa narinig ko kay manang kanina
"No mommy of course not. I mean is si daddy mahahati na ang atensyon nya sa atin at tyaka kay rea diba? "
Ang talino talaga netong bata na to kahit na maliit pa sya ay agad nya na itong naiintindihan
"Hindi ko alam baby. pero kung ako ang papipiliiin ayoko rin na nasa bahay sya. dahil alam ni mommy na wala syang gagawing matino !!"
Tumango ang bata pinkaita nya ang pag sangayon nya sa sinabi ko.
Hahayaan ko na lang, kasi wala din naman ako magagawa si zerep na nagdesisyon nun.A/N: magsisimula na ang tunay na twist
BINABASA MO ANG
WANTED : MOMMY (EDITING)
General FictionHIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in general fiction HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in pain HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Mommy HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Pretender HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Daddy. Si Lucy Vasquez ang babaeng wala ng lahat nang m...